
Challenging ngunit naging maayos at masaya ang shoot para sa “Tsismosa” episode ng bagong 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado.
Cast ng “Tsismosa” episode sa isang eksena sa may dalampasigan ng Ternate, Cavite / Source: Wish Ko Lang
Tungkol ang episode sa isang dalagang aksidenteng sumabit ang buhok sa makina ng bangka, na gagampanan ng Kapuso actress na si Shaira Diaz.
Si Shaira Diaz bilang ang dalagang nakaranas ng trahedya / Source: Wish Ko Lang
Kasama rin niya sa nasabing episode sina Gardo Versoza, Lovely Rivero, Joyce Ching, at Coleen Perez.
Ayon sa stars ng “Tsismosa” episode, naging challenging ang shoot dahil sila'y naabutan ng bagyo at tumaas rin ang alon sa dagat.
Kuwento ng beteranong aktres na si Lovely Rivero, “Maulan ang panahon nung nag shoot kami ng episode na ito ng Wish Ko Lang pero naitawid naman namin nang maayos at safe ang lahat and napakaganda ng episode na ito dahil na rin sa kooperasyon at pag-iingat ng lahat mula sa production team, director, casts at crew.
“May mga eksena talagang kinunan ni Direk Rommel Penesa sa dagat dahil essential ito sa story dahil na rin sa dagat naganap ang isang trahedya na susubok sa pagmamahalan, samahan at katatagan ng pamilyang nasa kwento, maliban pa sa dahil ang pamilya na ito ay talagang sa dagat umaasa ng kanilang kabuhayan.
Isa sa mga aerial shot sa “Tsismosa” episode / Source: Wish Ko Lang
“Pero kahit nasa dagat ang ibang eksena at umuulan pa, hindi talaga ako natakot dahil alam namin na lahat ng safety precautions ay ginawa ng production ng Wish ko Lang para siguraduhing na ligtas ang bawat isa.
“Nandoong may medical crew na naka-standby talaga na palaging nag che-check sa amin before and after each scene na maselan.
“Isa pa, bago pa man nagsimula ang taping, talagang nag-Zoom meeting ang lahat para isa-isahin at paghandaan ang mga safety measures na dapat i-observe at dahil sa tulong at kooperasyon ng bawat isa, natapos namin nang maayos ang episode na ito.
“Kaya nga kahit na medyo hindi maganda ang panahon, naging smooth at masaya at very organized ang naging taping namin at natapos ito ng maluwalhati.”
Pinatotohanan naman ito ni Kapuso actress Joyce Ching na napabilib sa pagiging alerto ng bagong 'Wish Ko Lang' staff and crew.
“Very alert po sina direk at 'yung WKL team kasi habang kinukunan nila kami sa gitna ng dagat, (lima kami sa isang maliit na bangka) nung napansin ni direk na lumalakas na 'yung alon, at medyo sa tingin niya risky na, pinabalik niya agad kami at pinaikot 'yung bangka pabalik sa pampang.
“Naitawid naman po yung mga eksena, kinailangan lang namin kuhanan 'yun sa may pampang, pero nagawan naman po ng paraan. Mas inuna rin po talaga ng team 'yung safety namin.
Ayon naman sa model-actress na si Coleen Perez kampante siya na safe sila habang shinoshoot ang “Tsismosa” episode.
“Personally, ako hindi ako natakot bilang swimmer ako and trained in water safety. I will know what to do if needed and I won't hesitate (to help) someone who needs to be saved.
“May security and safety officers naman on standby and compliant 'yung lahat ng bumubuo sa shoot. Kung sinabi na delikado, gagawan ng paraan mailipat sa mas safe na spot.”
Gardo Versoza at Shaira Diaz sa “Tsismosa” episode / Source: Wish Ko Lang
Ayon naman kay Kapuso star Shaira Diaz, challenging at exciting ang kanilang naging shoot.
“Actually na-excite ako dun, challenging kasi siya and first time kong maka-experience ng ganon sa taping na kunwari nalulunod ako tapos may underwater shot.”
Gardo Versoza sa “Tsismosa” episode ng bagong 'Wish Ko Lang' / Source: Wish Ko Lang
At kuwento pa nina Shaira at Lovely, sumaya raw ang taping nila dahil kasama nila ang betaranong aktor at hari ng TikTok na si Gardo Versoza.
Ani Shaira, “Masaya rin yung behind-the-scene experience dahil kasama namin si Tito Gardo, si Cupcake, kaya ayun puro TikTok kami every after scene, mas nagiging light and magaan 'yung trabaho.
Sabi naman ni Lovely, “Siyempre dahil kasama pa namin ang TikTok King na si Cupcake Gardo V., may pa-TikTok pa kami in the middle of the sea kaya lalong masaya ”
Dagdag pa niya, “Excited na kami na mapanood (ng Kapuso viewers) ang isang napakaganda at kapupulutan ng aral na pagtatanghal na ito ng (bagong) Wish Ko Lang.”
Huwag palampasin ang “Tsismosa” episode ng bagong 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA-7.
RELATED:
Manalo ng negosyo package sa 'Tuloy Pa Rin Ang Pasko" promo ng bagong 'Wish Ko Lang'