GMA Logo  cast of maling akala episode
What's Hot

Wish Ko Lang: Lalaki, biglang dumating sa sariling burol?

By Racquel Quieta
Published March 4, 2021 6:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

HPG officer relieved after mauling patrolman
Ika-169 nga kaadlawan sang Ilonggo nga baganihan nga si Graciano Lopez Jaena, ginakomemorar
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

 cast of maling akala episode


Paano kaya nangyaring biglang sumulpot ang isang lalaki sa sarili niyang burol?

Magkahalong, gulat at pagkalito ang naramdaman ng mga dumalaw sa burol ng isang lalaking nagngangalang Aries. Bigla na lang kasing sumulpot ang tunay na Aries sa burol ng bangkay na inakala ng lahat ay siya. 'Yan ang istoryang tampok ngayong Sabado sa bagong Wish Ko Lang.

cast of maling akala epsiode

Lalaki, biglang sumulpot sa kayang burol? / Source: Wish Ko Lang

Bukod pa sa kakaibang kuwentong tampok sa episode na pinamagatang “Maling Akala,” kaabang-abang din ang pagganap ng The Lost Recipe stars na sina Mikee Quintos at Kelvin Miranda bilang magkasintahan sa nasabing episode.

Si Kelvin ang gaganap bilang si Aries, ang lalaking inakala ng lahat ay patay na at siyang pinaglalamayan nila. Samantala, si Mikee naman ang gaganap bilang Krystal, ang kasintahan ni Aries na kanyang itinanan.

kelvin and mikee

Sina Kelvin Miranda at Mikee Quintos bilang Aries at Krystal / Source: Wish Ko Lang

Gaganap naman bilang mga magulang nina Mikee at Kelvin sina Maureen Larrazabal at Sue Prado, habang ang komedyanteng si Pepita Curtis at Miss Manila 2020 Alexandra Abdon naman ang gaganap bilang mga side kick ng kanilang magulang.

mikee Alexandra and maureen

Wacky behind-the-scenes photo nina Mikee Quintos, Miss Manila 2020 Alexandara Abdon at Maureen Larrazabal/ Source: Wish Ko Lang

Mala-Romeo and Juliet ang kuwento ng pag-iibigan ng karakter nina Mikee at Kelvin. Matinding magkaaway kasi ang pamilya ng magkaisntahang Aries at Krystal dahil sa isang lupang pinag-aagawan nila.

Kaya naman kahit nagmamahalan ang dalawa ay tutol ang kani-kanilang pamilya sa kanilang relasyon. Ito ang nag-udyok sa dalawa upang magtanan.

kelvin and mikee

Sweet behind-the-scenes photo nina Kelvin at Mikee / Source: Wish Ko Lang

Bukod pa sa pagnanais ng magkasintahan na malayang ipagpatuloy ang kanilang relasyon, naagkaroon pa sila ng isang mabigat na dahilan upang lumayo at magtago nang matagal na panahon.

Minsan kasing nahuli ng magkasintahang Aries at Krystal ang isang grupo ng mga lalaking pinagtangkaang sunugin ang lupang pinag-aagawan ng kanilang pamilya.

Dahil dito, nanganib ang kanilang buhay, kaya nagpasya silang dalawa na magtago sa loob ng mahabang panahon.

At nang mapagpasyahan na nina Aries at Krsytal na muling magpakita sa kanilang mga pamilya, laking gulat nila na may nadatnan silang burol.

'Yun pala, inakala ng pamilya ni Aries na siya ang bangkay na natagpuan malapit sa kanilang bahay.

Laking gulat ng mga dumalo sa lamay at inakalang nagmumulto ang kaluluwa ni Aries.

Nahimatay pa nga ang nanay niyang si Loida sa sobrang pagkabigla.

funny scene in wish ko lang

Ang eksena kung saan nahimatay ang ina ni Aries (Kelvin) na si Loida (Sue Prado) / Source: Wish Ko Lang

Alamin kung paano nga ba nangyaring nagapagkamalan nilang si Aries ang natagpuang bangkay malapit sa kanilang tahanan ngayong Sabado sa bagong Wish Ko Lang.

Magkahalong kilig at katatawanan ang hatid ng pagsasadula ng tunay na kuwentong ito sa “Maling Akala” episode.

kelvin mikee and maureen

Sina Kelvin, Mikee and Maureen in between takes ng “Maling Akala” episode ng bagong Wish Ko Lang / Source: Wish Ko Lang

Dapat din abangan ang kakaibang pagganap ni Kelvin bilang Aries. Sa panayam ni Lhar Santiago kay Kelvin, sinabi nito na taliwas sa karakter niya sa The Lost Recipe na si Chef Harvey, mas mabait at mas expressive si Aries sa babaeng kanyang minamahal.

Abangan din kung ano'ng magandang pagbabago ang hatid ng Fairy Godmother ng Bayan na si Vicky Morales sa pamilyang naging biktima ng maling akala sa bagong Wish Ko Lang, ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA-7.

Tingnan ang sweetest photos nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda sa gallery na ito.