GMA Logo Wish Ko Lang
What's Hot

'Wish Ko Lang,' mamimigay ng PhP100K per episode para sa kanilang 20th anniversary celebration

By Aimee Anoc
Published August 3, 2022 6:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Liza Marcos leads 10-kilo rice distribution in QC
Oras na para managot ang scammer sa 'Taskforce: Firewall' mamayang 8:50PM | One North Central Luzon
Local beauty and wellness brand expands into luxury veterinary and pet care

Article Inside Page


Showbiz News

Wish Ko Lang


Bonggang mga regalo at sorpresa ang inihanda ng 'Wish Ko Lang' para sa selebrasyon ng ika-20 taong anibersaryo nito.

Sa pagdiriwang ng ika-20 taong anibersaryo ng Wish Ko Lang, mas maraming kahilingan ang mabibigyang katuparan.

Ngayong Agosto, bonggang mga regalo at sorpresa ang inihanda ng Wish Ko Lang para sa mga kahilingang bibigyang katuparan nito.

Bukod sa mas pinalaking "Instant Wishes" kung saan makatatanggap ng PhP5,000 cash gift ang mapipiling Instant Wish winner, ipamimigay na rin ng kauna-unahang wish-granting program ang pinakamalaking Wish Ko Lang Savings nito na nagkakahalaga ng PhP100,000 para sa bawat kuwentong itatampok nito.

Apat na malalaking kuwento na magbibigay ng aral, pag-asa, at inspirasyon ang handog ng Wish Ko Lang na pagbibidahan ng mga bigating artista.

Huwag palampasin ang 20th anniversary episodes ng Wish Ko Lang, tuwing Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.

TINGNAN ANG INSPIRING LGBTQIA+ STORIES NG WISH KO LANG DITO: