
Kuwento ng isang mister na inakit 'di umano ng isang babaeng kapre ang tampok sa bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado, June 26.
Kakaiba at misteryoso ang istorya ng isang lalaki na si Martin na gagampanan ng Kapuso actor na si Juancho Trivino.
Kadalasan kasi naririnig natin sa mga kuwento ang tungkol sa mga kapreng lalaki na nagkakagusto sa pangkaraniwang taong babae.
Pero baligtad ang nangyari sa kaso ni Martin. Siya raw ang natipuhan ng isang kapreng babae.
Bagong lipat lamang noon sina Martin at kanyang asawa na si Alyssa (Katrina Halili) at kanilang anak na si Maricris (Sofia Pablo) sa kanilang bahay.
Sina Juancho Trivino, Sofia Pablo at Katrina Hlili sa 'Babaeng Kapre' episode / Source: Wish Ko Lang
Kakabukod lang nila mula sa biyenan ni Martin na si Nimfa (Mel Kimura).
Mapang-abuso raw kasi si Nimfa at pati ang anak niyang si Alyssa ay sinasaktan nito.
Kaya minabuti na nilang sa iba na lamang tumira.
Ngunit ang tahanan na akala nilang magiging lugar kung saan sila magkakaroon ng bagong simula, doon pala magkakaroon ng mas malaking gulo na nababalot pa ng kababalaghan.
Isang araw kasi ay tinulungan ni Martin ang kapitbahay nilang si Stella (), dahil may humahabol daw sa kanya.
Sina Juancho Trivino at Ariella Arida / Source: Wish Ko Lang
Matapos niyang magmagandang loob sa dalaga ay hinatid niya ito sa kanilang tahanan, kung saan nakilala rin niya ang kapatid nitong lalaki (Arvic Tan).
Ang hindi alam ni Martin, balak pala siyang akitin ni Stella.
Aakitin si Martin ng 'di umano'y babaeng kapre na si Stella / Source: Wish Ko Lang
At ang mas nakakabiglang madidiskubre niya ay isa palang babaeng kapre si Stella!
Totoo kaya ito o kathang-isip lamang ni Martin ang lahat?
Alamin kung paano makakatulong ang Fairy Godmother ng Bayan na si Vicky Morales upang makapgsimula muli ang pamilya ni Martin, matapos siyang mabitag 'di umano ng mapang-akit na babaeng kapre.
Abangan 'yan sa bagong Wish Ko Lang, ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA-7.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.
Balikan ang isa pang istorya ng pagtataksil ng isang mister na pinutulan ng ari ng kanyang misis sa gallery na ito: