GMA Logo Klea Pineda
What's Hot

'Wish Ko Lang,' sinorpresa ng negosyo packages worth PhP70k ang wisher nito

By Aimee Anoc
Published April 4, 2023 10:11 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Classes, trips in parts of Surigao provinces cancelled due to Ada 
Baguio warns public over mayor’s compromised phone number
Farm To Table: Panalo sa sarap!

Article Inside Page


Showbiz News

Klea Pineda


Isang bagong simula ang hatid ng 'Wish Ko Lang' kay Hazel, na niloko ng dating karelasyon.

Nasaksihan sa "Wish Ko Lang: Utang Ni Ex" noong Sabado ang hirap na sinapit ni Hazel (Klea Pineda) mula sa manloloko niyang ex-boyfriend.

Dahil sa pagmamahal sa nobyong si Archie (Kimson Tan), nagtiwala si Hazel na magpautang dito kahit na walang trabaho ang nobyo nito. Pero ang hindi alam ni Hazel ay niloloko na pala siya ng nobyo at napako na rin ang pangako nitong magbabayad ng utang sa kanya. Ipinagpalit siya nito sa ibang babae at naiwan din sa kanya ang responsibilidad ni Archie sa pagbabayad ng iba nitong inutangan.

Kaya naman para matulungan si Hazel, naghanda ng sorpresa ang Wish Ko Lang at ang Fairy Godmother na si Vicky Morales.

Kasama sa negosyo packages na nagkakahalaga ng PhP 70,000 ang food cart merienda business, beauty products para sa online business ni Hazel, pastry products, mushroom chicharon products, kimchi products, leche flan products, at frozen meat products.

Mayroon ding regalong bagong dinnerware set at smartphone ang Wish Ko Lang. At hindi rin mawawala ang Wish Ko Lang Savings, tulong na pinansyal ng programa para kay Hazel.

Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ang susunod na tampok sa Wish Ko Lang ngayong Sabado sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

MAS KILALANIN SI KLEA PINEDA SA GALLERY NA ITO: