GMA Logo Vicky Morales
What's Hot

'Wish Ko Lang' wins Best Public Service Program at the 35th Star Awards for TV

By Aimee Anoc
Published January 30, 2023 3:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Vicky Morales


Nakatanggap ng bagong parangal ang 'Wish Ko Lang' sa katatapos lamang na 35th Star Awards for TV noong January 28.

Sunod-sunod ang karangalang natatanggap ng wish-granting program na Wish Ko Lang.

Noong January 16, kinilala ang programa bilang Best TV Program (Public Affairs/Public Service) sa 7th GEMS Awards, at ngayon, kabilang ito sa mga programang binigyan ng parangal sa katatapos lamang na 35th Star Awards for Television.

Kinilala ang Wish Ko Lang bilang Best Public Service Program para sa news and public affairs.

"Lubos po ang aming pasasalamat para sa pagkakaroon ng ganitong pagkilala. Ito ay para sa inyo, mga Kapuso," pasasalamat ng Wish Ko Lang.

Ngayong 2023, nagpapatuloy ang Wish Ko Lang, kasama ang award-winning broadcast journalist na si Vicky Morales, sa 20 taon na nitong pagbibigay inspirasyon at paghahatid ng bagong pag-asa para sa mga Pilipino.

Mapapanood ang Wish Ko Lang, tuwing Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

TINGNAN ANG ILANG INSPIRING STORIES NG 'WISH KO LANG' DITO: