
Kinilala ang patuloy na pagbibigay inspirasyon at bagong pag-asa ng Wish Ko Lang sa 44th Catholic Mass Media Awards (CMMA), na inanusyo noong Linggo, November 6.
Pinarangalan ang wish granting program bilang Best Drama Series/Program.
Sa loob ng dalawang dekada, iba't ibang real-life inspirational stories na ang naitampok ng programa kung saan maraming buhay ang nabago at daan-daang kahilingan ang nabigyang katuparan.
Ngayong taon, ilan sa kuwentong kinapulutan ng aral at inspirasyon ay ang "Sugal" kung saan tampok ang istorya ng buhay ng bus conductor na si Marife na ilang beses na sinaktan at pinagnakawan ng sugalero niyang ama at ang "Selos" na tungkol sa hirap na naranasan ni Dayan sa kamay ng mapang-abuso at seloso niyang mister.
Marami rin ang naantig sa "A Second Chance" na totoong kuwento ng buhay ng amang si Fred na nakulong nang mahigit dalawang dekada para sa anak na si Lorenz. Mula sa direksyon ni Rommel Penesa, ang episode na ito ay pinagbidahan nina Albert Martinez at Kelvin Miranda.
Patuloy na subaybayan ang Wish Ko Lang, tuwing Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.
TINGNAN ANG INSPIRING LGBTQIA+ STORIES NG 'WISH KO LANG' DITO: