
Matapos na kilalanin bilang Best Drama Series/Program sa 44th Catholic Mass Media Awards noong November 2022, muling nakakuha ng parangal ang Wish Ko Lang sa ikapitong taong pagbibigay pagkilala ng GEMS Awards para sa mga natatanging alagad ng sining sa larangan ng telebisyon.
Kinilala ang wish granting program bilang Best TV Program (Public Affairs/Public Service) sa 7th GEMS Awards, na inanunsyo noong January 16.
Dalawang dekada nang nagbibigay inspirasyon at naghahatid ng bagong pag-asa sa mga Filipino ang Wish Ko Lang. Ngayong 2023, magpapatuloy ang programa sa pagbibigay katuparan sa daan-daan pang mga kahilingan, kasama ang award-winning broadcast journalist na si Vicky Morales.
Patuloy na subaybayan ang Wish Ko Lang, tuwing Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.
Samantala, maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
TINGNAN ANG ILANG INSPIRING STORIES NG 'WISH KO LANG' DITO: