GMA Logo family feud
What's on TV

World-class performers na sina Rose Osang Fostanes at Shadow Ace, maghaharap sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published July 16, 2026 10:32 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - PCO press briefing (July 16, 2026) | GMA News
Cops secure Tacloban school in 2nd return to F2F classes since shooting

Article Inside Page


Showbiz News

family feud


Narito ang mga maghaharap sa 'Family Feud' ngayong July 16.

World-class Pinoy performers ang magpapakitang-gilas sa Family Feud ngayong Huwebes.

Tampok ngayong July 16 ang isang masayang bakbakan ng talino, teamwork, at stage presence.

Pangungunahan ang Team Osang ng 2014 X Factor Israel champion na si Rose "Osang" Fostanes. Makakasama niya sa laban ang kanyang kapatid na si Gina Fostanes-Camposanto at mga pinsan na sina Marie San Juan-Fostanes at Fhe Fostanes.

Makakatapat naman nila ang Team Shadow Ace, na pinamumunuan ng world-class hand shadow artist na si Shadow Ace. Naging viral siya sa iba't ibang panig ng mundo matapos mapabilib ang audience sa Asia's Got Talent at America's Got Talent sa kanyang kakaibang hand shadow performances.

Kasama sa Team Shadow Ace sina Ronnie De Guzman, isang freelance events singer; Rashley Capino, isang freelance performer; at Jay-jay Jayari, na kilala bilang clown, comedian, at magician.

Asahan ang exciting na pagalingan sa fresh episode ng Family Feud ngayong July 16, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.