What's Hot

Wyn Marquez, pinayuhan nina Alma Moreno at Joey Marquez para sa Reina Hispanoamericana 2017

By Bea Rodriguez
Published October 19, 2017 4:46 PM PHT
Updated October 23, 2017 3:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robbers cart away over P30.7M from mall in Pavia, Iloilo
Hairstylist, nagulantang sa ginawa ng mister ng kanyang customer | GMA Integrated Newsfeed
Good News: Bisitahin ang mga destinasyon na ito sa Tanay, Rizal ngayong Kapaskuhan

Article Inside Page


Showbiz News



Hindi man sumama ang kanyang mga magulang na sina Alma Moreno at Joey Marquez patungong Bolivia, pinabaunan naman si Wyn ng mga ito ng ilang importanteng payo na dapat tandaan sa kanyang pagsali sa Reina Hispanoamericana 2017.
 

"A role model and Inspiration to all Parañaqueños" - Mayor Edwin Olivarez •••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••"Jewel of Parañaque" - Cong. Gus Tambuting & Mrs.Joy Tambunting ••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••• Maraming maraming salamat po sa recognition na binigay niyo. Mayor Edwin Olivarez, Congressman Eric Olivarez, Congressman Gus Tambunting and sa lahat po ng officials ng City of Parañaque salamat po sa patuloy niyo na pag supporta. Sa lahat ng Parañaqueños salamat po.. ??

A post shared by Teresita Ssen Winwyn Marquez (@wynmarquez) on

 

Pinabaunan ng payo si Reina Hispanoamericana Filipinas 2017 Teresita Ssen “Wyn” Marquez bago siya umalis ng Pilipinas at lumipad patungong Bolivia para sa South American beauty pageant na kanyang sasalihan ngayong Nobyembre 4.

Hindi man sumama ang kanyang mga magulang na sina Alma Moreno at Joey Marquez, pinayuhan naman nila ang kanilang anak.

“Basically, they just tell me to enjoy [and] have fun [because] it’s only [going to] happen once in a lifetime. Sabi nila, huwag [ako] masyado maging nega. People will say whatever they [want to] say pero kung kilala mo ‘yung sarili mo, and you know that you’ll [going to] do well, then doon ka maniwala,” bahagi ng actress-turned-beauty queen sa panayam ng GMANetwork.com sa Miss World PH send-off party kahapon (October 18).

Nakakuha rin ng advice ang Kapuso star mula sa kanyang tita na si Miss International 1979 Melanie Marquez.

Halos magkapareho lang sa kanyang mga magulang ang payo ng kanyang Tita Melanie, “Just to enjoy [and] have fun. It’s once in a lifetime na ang dala mo is ‘Philippines.’ I-enjoy ko lang [at] salihan ko daw ang lahat na pwede kong salihan, and ipakita ko lang daw who I really am. Don’t pretend you’re good in Spanish, don’t pretend na parang matalino ka na parang alam mo ‘tong language na ito. You just be yourself.”

Lumipad na kanina si Wyn patungong New York kung saan mayroon siyang connecting flight sa Panama bago siya makarating ng Santa Cruz, Bolivia.