GMA Logo Xander Ford Family Feud
What's on TV

Xander Ford, muling napanood sa TV via 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published September 21, 2022 8:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump brands fentanyl a ‘weapon of mass destruction’ in drug war escalation
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Xander Ford Family Feud


Na-miss niyo bang makita ang soon-to-be dad na ngayon na si Xander Ford?

Game na game na nakipagkulitan ang controversial social media star na si Xander Ford kasama ang kanyang Star Image family sa Family Feud Philippines at host nito na si Dingdong Dantes ngayong Miyerkules, September 21.

Ang team ni Xander ay binubuo ng kapwa niya content creators na sina David Cabawatan, Yolove Tabaque, at Vince Apostol. Habang nakalaban naman nila ang grupo ng mixed martial arts fighters na One Warrior Series: Philippines na pinangungunahan ni Mark Sangiao, Joshua Pacio, Geje Eustaquio, at host na si Will Devaughn.

Bago magsimula ang laban ng dalawang team sa hulaan ng top survey answers, kinumusta muna ni Dingdong ang soon-to-be dad na si Xander.

"Kumusta ka naman Xander?" tanong ni Dingdong.

"Okay naman po Sir Dingdong, ngayon po ay masaya ako kasi nakabalik na po ako dito sa pangarap ko," mabilis naman na sagot ni Xander.

Dagdag pa niya, "Actually po soon-to-be daddy na po ako, first time ko po ito kaya kinakabahan po ako pero masaya po ako kasi blessing ito na bigay ni Lord."

Sa nasabing episode, walang namang pinalampas na round ang team ni Xander dahil tuloy-tuloy ang kanilang pagkapanalo hanggang sa fourth round kung saan nakapag-uwi sila ng PhP100,000 cash prize.

Makakatanggap naman ng PhP20,000 ang GMA Kapuso Foundation bilang napiling beneficiary ng Star Image Family.

Patuloy na tumutok sa Family Feud, weekdays, 5:40 p.m. sa GMA.

BALIKAN NAMAN ANG CONTROVERSIAL MOMENTS NI XANDER FORD SA GALLERY NA ITO: