GMA Logo Ricketts Family
What's on TV

Ricketts Family wagi laban sa Domagoso Family sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published September 20, 2022 7:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Ricketts Family


Nakuha ng pamilya ni Ronnie Ricketts ang jackpot prize sa kanilang paglalaro sa 'Family Feud' laban sa pamilya ni "Yorme" Isko Moreno.

Panalo ng PhP200,000 jackpot prize ang pamilya ng action star na si Ronnie Ricketts at batikang aktres na si Mariz Ricketts sa kanilang paglalaro sa Family Feud ngayong Martes, September 20.

Sa nasabing episode, nakalaban ng Ricketts Family ang pamilya ng dating aktor at alkalde ng Maynila na si Isko Moreno Domagoso kasama ang asawa nito na si Dynee Domagoso at kanilang mga anak na sina Frances at Joaquin Domagoso.

Tuloy-tuloy ang panalo ng Domagoso family sa first three rounds ng game show kung saan nakakuha sila ng total score na 237 points.

Dahil sa leading score ng pamilya ni "Yorme," marami sa mga Kapuso viewers sa live streaming ang nag-akala na mapupunta na sa kanila ang laro hanggang sa last round.

Pagdating ng fourth round ng game show, nakahabol ang pamilya Ricketts dahil sa mas mataas na score na kanilang nakuha sa isang survey question. Sa round na ito ay nakakuha sila ng score na 264 points na mas lamang sa naipong 237 points ng Domagoso family.

Sina Mariz at kanyang kaibigan na si Peepoe Alatiit ang sumalang sa fast money round kung saan nakakuha sila ng total score na 226 points na lagpas pa sa kinakailangang score upang makuha ang jackpot prize na PhP200,000.

Makakatanggap naman ng PhP20,000 ang Muntinlupa City Animal Pound bilang napiling beneficiary ng Ricketts Family.

Tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA.

SILIPIN NAMAN ANG SWEETEST PHOTOS NG MAG-ASAWANG RONNIE AT MARIZ RICKETTS SA GALLERY NA ITO: