
Masayang nag-celebrate ng Christmas si Kapuso actor Xian Lim sa Paris, France, kasama ang longtime girlfriend na si Kim Chiu.
Sa Instagram, ipinakita ni Xian ang naging adventure nila ni Kim sa "City of Love," kung saan kasama sa kanilang fun trip ang Disneyland.
"Disneyland Paris hits differently," sulat ni Xian.
Pinuntahan din nina Xian at Kim ang sikat na Eiffel Tower, na makikita sa bagong video na ibinahagi ng aktor, na may caption, "A day in Paris."
Mahigit 10 taon nang magkasintahan sina Xian at Kim. Noong Setyembre, muling napanood ang dalawa sa big screen para sa adaptation ng hit Korean film na "Always."
Samantala, bibida ang aktor kasama si Kapuso actress Ashley Ortega sa upcoming figure skating series na Hearts on Ice, na mapapanood soon sa GMA.
MAS KILALANIN SI XIAN LIM SA GALLERY NA ITO: