
Kaabang-abang ang bagong role na pagbibidahan ni Xian Lim sa kauna-unahang ice-skating drama series ng bansa, ang Hearts On Ice.
Simula Agosto noong nakaraang taon, nagbibigay pasilip na ang multitalented actor sa ginagawang paghahanda para sa challenging na role na kanyang gagampanan sa serye.
Kaiba sa mga nauna na niyang role, ito ang unang pagkakataon na bibida si Xian sa isang sports drama series kung saan kinakailangan niyang matutong mag-ice skate.
Sa interview ng GMANetwork.com, ikinuwento ni Xian ang una niyang reaksyon nang ialok sa kanya ang role sa serye. Aniya, ang agad niyang reaksyon ay kung paano niya ito gagawin?
Dahil hindi tulad ng leading lady niya sa serye na si Ashley Ortega, na dati ng isang competitive figure skater, kinakailangan ni Xian na magsimula at matuto sa pinaka-basic ng sports na ito.
“Ang una kong reaksyon is paano ko s'ya gagawin? Because I've tried ice skating before pero hindi naman 'yung totohanan like katulad nina Ashley na talagang ginagawa nila. So, I was thinking paano nga ba? It's gonna be from level zero working my way up," pagbabahagi ng aktor.
Dagdag niya, "But you know, with enough passion and dedication, I feel... I think na magiging masaya ito, especially once kami ni Ashley ay nasa ice na and we were doing steps and choreography on the way.”
Pinatunayan ni Xian ang dedikasyon niyang matuto ng figure skating nang maipasa niya ang kanyang Pre Alpha - Delta Test, isang ice skating proficiency test, noong Disyembre.
Samahan si Xian bilang Enzo sa Hearts On Ice, simula Marso sa GMA Telebabad.
KILALANIN ANG IBA PANG CAST NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: