Inamin ng XOXO members ang naging epekto sa kanila ng pandemic.
Sa last episode ng Quiz Beh, bumida ang girl group ng GMA Network na XOXO.
Pero bago ang kanilang pagalingan sa hulaan, kinumusta muna sila ng host na si Betong Sumaya ngayon na may kinakaharap tayong pandemya.
Ayon kay Dani Orzaraga, nakikipag-bonding siya sa kanyang pamilya through video call. Sinisiguro niya umanong makasama sila sa araw-araw kahit sa simpleng tawag lamang.
Si Lyra Micolob naman ay ibinahagi ang kanyang realization na importante na mag-focus sa ikakabuti ng sarili.
Kuwento naman ni Riel Lomadilla, tulad ng iba niyang kasamahan sa XOXO ay lagi rin niyang tinatawagan ang kanyang pamilya. Naninirahan sa Cagayan de Oro ang pamilya niya at siya naman ay mag-isa sa Quezon City.
Para kay Mel Caluag, nakaka-miss umano ang mag-perform nang live para sa kanilang mga fans.
Panoorin ang mga kuwento ng XOXO at ang kanilang tapatan sa Quiz Beh.