GMA Logo xyriel manabat on the secrets of hotel 88
Courtesy: xyrielmanabat_ IG
What's on TV

Xyriel Manabat, miss na ang set ng 'The Secrets of Hotel 88'

By EJ Chua
Published June 15, 2026 1:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OCD: No signs of life detected among 36 missing in Mindanao earthquake
P3M alleged unregistered palm, coconut oil seized in Davao City
Fuel surcharge lowered for June 16 to 30

Article Inside Page


Showbiz News

xyriel manabat on the secrets of hotel 88


Ipinasilip ni Xyriel Manabat ang set ng 'The Secrets of Hotel 88' sa Puerto Galera, Oriental Mindoro.

Bago ang nalalapit na pagtatapos ng suspense collab series ng GMA at ABS-CBN na The Secrets of Hotel 88, binalikan ni Xyriel Manabat ang ilang moments niya at ng kanyang co-stars.

Sa kanyang latest social media post, inilahad ni Xyriel na miss na niya ang taping location nila na Puerto Galera, Oriental Mindoro.

Bukod dito, ipinasilip din niya ang kulitan nila ng kanyang co-stars sa set ng serye.

Makikita rito ang group photos, kung saan kasama ni Xyriel sina Mika Salamanca, Kira Balinger at iba pa.

May videos din na ibinahagi ang Star Magic artist, kung saan mapapanood ang ilang behind-the-scenes sa karakter nina Will Ashley, Esnyr, at Klarisse De Guzman.

Ibinida rin dito ni Xyriel ang kanyang workout looks at iba pang photos na kuha sa lock-in taping nila.

A post shared by Xyriel Manabat (@xyrielmanabat_)

Matatandaang kamakailan lang ay binawian ng buhay sina Monette at Leon ang mga karakter nina Klarisse De Guzman at River Joseph.

Nalagay na rin sa panganib ang buhay ni Kiko, ang role naman ni Will Ashley.

Matutunghayan dito na patuloy pa rin ang paghahanap ng mga karakter sa hidden treasure at ang pagdiskubre pa nila sa ilang misteryoso ng Hotel 88.

Anu-ano pa kaya ang susunod na mangyayari sa suspense collab series?

Patuloy na tumutok sa The Secrets of Hotel 88.

Ipinapalabas ang collab series mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m sa GMA Prime.

Related gallery: PBB collab ex-housemates reunite for The Secrets of Hotel 88 mid-season mediacon