
Kinagiliwan ng viewers ang isa sa mga eksena sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, kung saan nasorpresa ang housemates sa pagpasok ng bagong bisita sa Bahay Ni Kuya.
Pinag-usapan ang naging reaksyon ng isa sa housemates na si Xyriel Manabat sa pagdating ng Sparkle star na si Bianca Umali.
Tila natulala at na-starstruck si Xyriel nang makita niya sa personal si Bianca.
Sa confession room, makulit na nagkuwento ang Kapamilya housemate tungkol sa paghanga niya sa facial features ng bago nilang kasama sa iconic house.
“Nakanganga lang po ako. Sobrang liit po ng mukha ni Ate Bianca [Umali]. Sampal po 'yun sa pisngi kong lumolobo na ngayon Kuya.”
Related gallery: Celebrity houseguests sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
Bukod sa kaniyang guesting sa teleserye ng totoong buhay ng mga sikat, mapapanood din si Bianca sa nalalapit na pagpapalabas ng Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Makikilala siya rito bilang si Sang'gre Terra, ang bagong tagapangalaga ng brilyante ng lupa.
Samantala, patuloy na tumutok sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Mapapanood ang naturang programa, weekdays 10:05 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.