
Sa GMA primetime drama series na Start-Up PH, napapanood sina Yasmien Kurdi at Jeric Gonzales bilang sina Katrina “Ina” Diaz at Davidson “Dave” Navarro.
Ngayong araw, September 30,2022, bumisita sina Yasmien at Jeric sa GMA morning show na Unang Hirit.
Kasama ang UH barkada na sina Lyn Ching at Shaira Diaz, nakipagkuwentuhan ang lead stars tungkol sa bagong programa.
Unang ibinahagi nina Yasmien at Jeric ang ilang memorable scenes na napanood nila sa Korean version ng kanilang show na ginawa rin nila sa Philippine adaptation.
Ayon sa award-winning actress, “Para sa akin 'yung iconic scenes like 'yung first scene ko with Bea, 'yung sagutan namin, 'yung café scene, 'yung hackathon…”
Matapos nito, ibinahagi naman ni Jeric ang ilang mga eksenang dapat abangan ng mga manonood tungkol sa kaniyang karakter na si Davidson Navarro (Nam Do-san).
Pagbabahagi ng award-winning actor, “From the original napaka-interesting nung role ni Nam Do-san. Ang ganda talaga, ang cute. Abangan din nila ang TST [Three Sons Tech] boys, sobrang kulitan, 'yung mga kulitan naming doon ang saya.
Matapos ang kuwentuhan, nakipagkulitan naman ang lead stars sa UH barkada sa habang ginagawa ang 'bentahan' challenge.
Panoorin ang guesting nina Yasmien at Jeric sa Unang Hirit DITO:
Subaybayan ang karakter nina Yasmien at Jeric sa bagong handog ng GMA-7, ang Start-Up PH.
Panoorin ang Start-Up PH, Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman ay mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ay ipapalabas ito sa oras na 11: 00 p.m.
Mapapanood din ang bagong drama series sa GMA PinoyTV.
SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: