GMA Logo Yasmien Kurdi
Courtesy: yasmien_kurdi (IG)
What's Hot

Yasmien Kurdi, binisita ng kanyang anak na si Ayesha sa set ng 'The Missing Husband'

By EJ Chua
Published June 2, 2023 6:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Sager earns praise for hosting skills in MMFF Gabi ng Parangal
OVP staff hold breakfast gathering in Manaoag
Remembering icons and notable personalities we lost in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Yasmien Kurdi


May special visitor si Yasmien Kurdi habang nagte-taping siya para sa mystery drama series na 'The Missing Husband.'

Ongoing ang taping para sa GMA's upcoming mystery drama series na The Missing Husband.

Ngayong 2023, mapapanood ang naturang programa sa GMA Afternoon Prime, kung saan makikilala bidang bida sa serye sina Rocco Nacino, Yasmien Kurdi, at Jak Roberto.

Kamakailan lang, habang nasa set ng bagong proyektong kanyang pagbibidahan ay binisita si Yasmien ng kanyang anak na si Ayesha.

Sa Instagram stories, makikitang ibinahagi ng aktres ang isang clip, kung saan makikita silang nagkukulitan ng kanyang anak na mayroong text na, “May visitor akong pretty.”

Kapansin-pansin naman na madalas ding sinasamahan si Yasmien ng kanyang non-showbiz partner na si Rey Soldevilla sa kanyang mga taping at iba pang activities bilang isang aktres.

Samantala, sa isa pang story ni Yasmien sa Instagram, makikita naman ang larawan nila ng kanyang co-star na si Max Eigenmann.

Si Yasmien ay mapapanood sa serye bilang si Millie, ang mapapangasawa ni Anton (Rocco) na kapatid ni Leila (Max Eigenmann).

Bukod sa mga nabanggit na aktor, mapapanood din sa serye sina Joross Gamboa, Sophie Albert, Nadine Samonte, Bryce Eusebio, Shamaine Buencamino at marami pang iba.

Samantala, sagutan ang poll sa ibaba:

SILIPIN ANG SET NG THE MISSING HUSBAND SA GALLERY SA IBABA: