
Isang bagong milestone ang nakamit ng Kapuso actress na si Yasmien Kurdi matapos siyang makapasa sa assessment at makapagtapos ng Pastry and Bakery Arts sa isang culinary school.
Nag-post noong March 24 ang Starstruck alum ng kaniyang graduation sa kaniyang Instagram page, hawak ang kaniyang certificate, patunay na natapos niya ang Pastry and Bakery Arts ng Academy of Pastry and Culinary Arts.
“Assessment + Graduation Day 03-24-2024 TGBTG (To God be the Glory) Can't believe it! I thought I couldn't do it because of my pregnancy but I did it! I'm so happy!” caption ni Yasmien sa kaniyang post.
Thankful din ang aktres at naging cooperative ang second baby nila ng asawang si Rey Soldevilla habang nagte-take siya ng assessment exam para makapasa sa kurso. Malaki rin ang pasasalamat niya na naging productive ang kaniyang maternity leave dahil may panibago siyang skills at kaalaman.
“I enjoyed every baking pastry class! Nakaka-relax siya for me,” ani ng aktres.
BALIKAN ANG MGA CELEBRITIES NA NATUTO MAG-BAKE NOONG PANAHON NG COMMUNITY QUARANTINE SA GALLERY NA ITO:
Nagpa-abot din siya ng pasasalamat sa mga chef at teachers nila dahil bukod sa itinuro nilang baking and pastry skills, ay hindi rin sila naging madamot umano sa impormasyon tungkol sa kurso.
Mensahe naman niya sa kaniyang batchamtes, “And to my classmates and batchmates, Happy Baking peeps! Congratulations batchmates! We did it.”
Pinasalamatan rin niya si Rey at ang una nilang anak na si Ayesha Zara para sa pagpunta sa kaniyang graduation.
Sinimulan ni Yasmien ang kaniyang 2024 sa pag-enrol sa isang baking and pastry class noong January. Ayon sa kaniya ay matagal na niya itong gusto gawin ngunit lagi siyang busy sa tapings.
“Kaya kinuha ko na itong chance na ito na makapag-aral while pregnant with my #BabyDragon🤰I'm really happy today cause I learned a lot from Chef Anthony!” ani ng aktres.
Hindi nagtagal ay nag-bake si Yasmien ng kaniyang first-ever birthday cake para mismo sa kaniyang 35th birthday sa isang vlog. Sa dulo ng video ay nagpasalamat ang celebrity mom sa suporta na patuloy na ibinibigay nina Rey at Ayesha sa kaniya.
Tingnan ang buong post ni Yasmien dito: