
Sinagot ni Kapuso star Yasmien Kurdi ang isang nakakaintrigang tanong tungkol sa pagkakaroon ng isa pang anak sa Mars Pa More kamakailan.
Sa “TaranTanong” segment ng naturang programa, tinanong ang aktres kung handa ba siya magpahinga muna sa showbiz upang magkaroon ng baby number two.
“Hindi,” sagot ng dating Las Hermanas star.
Photo courtesy: Mars Pa More (show page)
Paliwanag ng aktres, “Una sa lahat, 33 pa lang ako, parang mahaba pa. 'Yung iba nga nagkakaanak pa ng 45. Pangalawa, ang sabi nila hindi raw 'yan pinaplano para makabuo.”
“Tapos third, dapat hindi ka ma-stress. Kasi baka mamaya dahil nag-stop ako, mas ma-stress ako. So, kung dumating, dumating. Kung ibigay ni Lord, ibigay ni Lord. Kung hindi, okay na ako for Ayesha,” dagdag niya.
Noong 2012, ikinasal sina Yasmien at ang kaniyang asawa na si Rey Soldevilla at ibinahagi ng una na P20,000 lamang ang kanilang naging gastos para sa okasyong iyon. Sa kasalukuyan, biniyayaan sina Yasmien at Rey ng isang babaeng anak na si Ayesha Zara.
Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, patuloy na subaybayan ang Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m. sa GMA.
Samantala, tingnan ang cutest mother-daughter moments nina Yasmien Kurdi at Ayesha Zara sa gallery na ito.