
Muling nakatanggap ng pagkilala ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi dahil sa kanyang kontribusyon sa larangan ng telebisyon.
Ginawaran ng Maharlikang Parangal sa Larangan ng Musika, Sine, at Telebisyon si Yasmien ng Maharlikang Filipino Awards kahapon, June 17.
"Taos pusong pasasalamat sa 'Maharlikang Filipino Awards' sa Maharlikang Parangal na iginawad niyo sa akin sa Larangan ng Musika, Sine at Telebisyon," sulat ni Yasmien sa kanyang Instagram post kalakip ang ilang larawan.
"Isang karangalan ang mahanay ako sa mga Pilipinong matagumpay sa kani-kanilang larangan. Nawa'y ang mga proyektong kinabibilangan ko at ang mga tauhan na ginagampanan ko'y magsilbing inspirasyon sa mga manonood tungo sa mas maunlad na kinabukasan.
"Mabuhay po kayo!"
Masayang tinapos ni Yasmien ang 2021 at mas masaya niyang sinimulan ang 2022 dahil sa sunod-sunod na pagkilalang natanggap niya.
Noong Disyembre 2021, kinilala si Yasmien sa 2021 Dangal ng Lahi Awards bilang Most Remarkable Actress of the Year.
Matapos ang tatlong buwan, binigyang parangal din siya ng Asia Pacific Luminare Awards bilang Asia's Valuable and Significant TV Actress of the Year.
Mapapanood si Yasmien sa Start Up Ph kung saan makakasama niya sina Alden Richards, Bea Alonzo, at Jeric Gonzales.
Kilalanin ang iba pang mga karakter ng Start Up Ph DITO: