
Usap usapan ngayon sa social media ang ginagawa ng mga celebrities sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ilan sa mga ito ay inaalam kung ano ang mga donasyon na ipinarating ng kanilang idolo. Ang iba naman ay inalam kung ano ang ginagawa ng mga nagtapos ng nursing or medicine.
Humanga ang marami kay Carol Banawa na ngayon ay nagsisilbi bilang isang frontliner sa Amerika. Mayroon namang naghahanap kay Maricar Reyes na nakapagtapos ng medicine.
Ani ng isang netizen, "Carol Banawa is now doing her part as a frontliner as she practice her nursing profession. Sana all. Maricar Reyes, beke nemen. Sayang pagka doctor."
Dagdag pa niya, "Yupp. UST Grad pero di n'ya ginapractice. Sabi nya okay pa daw if like medical missions. Maybe now is the right time. Hahaha. Sayang nooo?"
Isang netizen naman ang nagbanggit kay Yasmien Kurdi. Aniya hindi yata pumasa ang aktres sa kanyang kursong nursing.
Dito diretsong sumagot si Yasmien Kurdi. Aniya, "Hi! 'Di ko natapos ang nursing :) may one year pa ko sa nursing... :) Polsci yung tinapos ko :) keep safe!"
Si Yasmien ay nakapagtapos na Magna Cum Laude sa kursong AB Political Science sa Arellano University nitong 2019.
Celebrities spend Easter in quarantine with family
Yasmien Kurdi teaches proper handwashing with "I Know"