
Ilang araw na lang at mapapanood na ang finale episode ng GMA action suspense drama series na The Missing Husband.
Isa sa Sparkle stars na napapanood sa serye ay ang award-winning actress na si Yasmien Kurdi.
Bago ang nalalapit na pagtatapos nito, inalala ni Yasmien ang young look ng kanyang karakter na si Millie Rosales.
Sa kanyang latest Instagram post, makikita ang ilang larawan ni Yasmien bilang si Millie na kuha noong isang College student pa ang kanyang karakter.
Ayon sa caption ng lead star, “#Throwback ni #MillieRosales noong College days. #TheMissingHusband last 4 airing days, 4:05PM on #GMAAfternoonPrime…”
Samantala, bukod kay Yasmien, napapanood din sa serye sina Jak Roberto, Sophie Albert, Joross Gamboa, Rocco Nacino, at marami pang iba.
Ano kaya ang mangyayari sa karakter ni Yasmien sa pinag-uusapang series?
Huwag palampasin ang mga huling tagpo sa nalalapit na pagtatapos ng The Missing Husband.
Mapapanood ito hanggang Biyernes, December 15, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime.