GMA Logo Yasmien Kurdi Ayesha and family
source: yasmien_kurdi/IG
Celebrity Life

Yasmien Kurdi, na-inspire matuto ng sign language dahil sa anak na si Ayesha

By Kristian Eric Javier
Published June 4, 2024 5:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DPWH Sec. Dizon stands on shaking bridge as truck rumbles by
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Yasmien Kurdi Ayesha and family


Kahit si Mommy Yasmien Kurdi, na-inspire sa kaniyang anak na si Ayesha na matuto ng sign language.

Proud na proud ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi at asawa niyang si Rey Soldevilla sa anak nilang si Ayesha na nagtapos ng grade 6 kamakailan lang. Lalong ikina-proud ng aktres nang malaman na ang gestures na ginawa ng kaniyang anak pagbaba ng stage ay sign language.

Sa video na ipinost ni Yasmien sa kaniyang Instagram page, makikita si Ayesha na tinatanggap ang kaniyang diploma sa stage. Pagbaba niya, gumamit siya ng sign language para ipahatid ang pasasalamat sa kaniyang mga magulang.

Nag-comment naman ang Kapuso showbiz reporter na si Nelson Canlas sa post ni Yasmien at sinabi na ang translation ng hand gestures na ginawa ni Ayesha ay, “Thank you, Papa, Mama. I love you.”

Dagdag pa niya, “Such an intelligent and sweet baby.”

Sa interview naman ni Yasmien kay Nelson sa 24 Oras, aminado ang aktres na nagulat sila ni Rey sa ginawa ng kanilang anak.

“Nagulat kami du'n, parang 'Hala, may sinabi pala siyang ganun na may pa-I love you pala siya.' So na-touch kami,” sabi niya.

Kuwento pa niya, maraming nagme-message sa kaniya na nakakaintindi ng sign language, at sinabihan silang “It's a nice language daw to learn.”

“Ngayon, parang na-inspire tuloy ako, parang gusto ko siyang matutunan bigla,” sabi niya.

TINGNAN ANG MOTHER-DAUGHTER MOMENTS NINA YASMIEN AT AYESHA SA GALLERY NA ITO:

Samantala, inamin din ni Yasmien na hindi naging madali para sa kaniya ang mga pinagdaanan ni Ayesha habang nag-aaral. Kuwento ng aktres, naranasan din ng kaniyang anak ang online bullying noong pandemic.

“Pero I'm really happy na na-overcome niya, parang na-overcome niya 'yung mga challenges,” sabi niya.

Panoorin ang interview ni Yasmien dito: