GMA Logo Yasmien Kurdi
Source: yasmien_kurdi, itsrainiercastillo (Instagram)
What's Hot

Yasmien Kurdi, nag-react sa pagiging two-timer noon ni Rainier Castillo

By Jimboy Napoles
Published August 17, 2023 12:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Missing bride-to-be na si Sherra de Juan, sa Pangasinan nakita
Bentahan ng paputok sa Dagupan City, bente kwatro oras na | One North Central Luzon
P-pop boy group VXON announces first concert

Article Inside Page


Showbiz News

Yasmien Kurdi


Yasmien Kurdi to Raineir Castillo: "Buti na lang 'di ko alam…”

Hot topic kamakailan ang rebelasyon ng StarStruck Season 1 First Prince na si Rainier Castillo sa Fast Talk with Boy Abunda tungkol sa kanyang pagiging two-timer noon.

Sa nasabing programa kasi, umamin si Rainier sa batikang TV host na si Boy Abunda na may pinagsabay siyang girlfriend noon dahil sa tukso.

“Kapusukan…Siguro gusto ko lang po masubukan noong mga time na 'yun. Curious ako kung ano ba ang pakiramdam pero mahirap din pala. Hindi rin talaga tumagal 'yun,” ani Rainier.

Biro niya, “Mahirap 'yung time management tapos hindi pwedeng isa lang ang cellphone mo, dapat magkaiba 'yan.”

Pero paglilinaw niya, “Hindi po, hindi po tama. Mali 'yun.”

BALIKAN ANG NAGING GUESTING NI RAINIER SA FAST TALK WITH BOY ABUNDA DITO:

Ang usapang ito nina Boy at Rainier ay agad na kumalat sa social media at ini-repost ng celebrity and entertainment page na The Scoop.

Ang nasabing post ay agad na umani ng sari-saring komento mula sa netizens, maging sa aktres na si Yasmien Kurdi.

Si Yasmien ay ang tinanghal naman na First Princess ng StarStruck Season 1 at isa sa mga kilalang naging ka-love team ni Rainier noon.

Komento ni Yasmien sa pagiging two timer ni Rainier, “Buti na lang 'di ko alam number mo noon.”

Dagdag pa niya, “iba talaga si smile mo kita ko!”

Matatandaan na bumida noon sina Rainier at Yasmien sa mga pelikulang So Happy Together (2004), Shake, Rattle, and Roll 2k5 (2005), at Happily Ever After (2005).

March 2021, naman nang muli silang magkasama sa Kapuso variety show na All-Out Sundays at gumawa pa ng kanilang reunion vlog sa YouTube channel ni Yasmien.

Kapwa may mga sariling pamilya na rin ngayon ang dalawa. Si Yasmien ay kasal na sa kanyang non-showbiz husband na si Rey Soldevilla at mayroon silang anak na si Ayesha Zara.

Ganap na ring ama si Rainier sa anak nila ni Diane Quizon na si Stellar Quinn.

Samantala, magbabalik-acting na rin si Rainier sa upcoming action series ng GMA na Black Rider. Habang balik-afternoon prime naman si Yasmien sa seryeng The Missing Husband.