
Masaya ang award-winning Kapuso actress na si Yasmien Kurdi na makatrabaho ang tinaguriang This Generation's Movie Queen na si Bea Alonzo.
Nito lamang Sabado, September 17, sa premiere event ng Start-Up PH na ginanap sa Robinsons Galleria, ibinahagi ni Yasmien kung gaano siya kasaya na makatrabaho si Bea.
“Happy din ako dahil nakatrabaho ko ngayon, at first time ni Bea [Alonzo] dito sa GMA…”
Bukod dito, naikuwento rin niya na lagi siyang nasasabihan ng mga taong nakakasalamuha niya na kamukha niya ang kaniyang co-star sa highly-anticipated drama series.
Kuwento ni Yasmien, “Lagi nilang sinasabi kasi na magkamukha daw kami ni Bea. Even before pa noong nasa ABS-CBN siya. Marami pa nga akong stories, e.
"Like kunwari, di ba kinuwento ko 'yun... Pumunta ako one-time sa… There was this shooting sa Baseco, 'tapos mayroon silang set doon, parang soap nila ni John Lloyd [Cruz].
Then, nagshu-shoot din kami doon ng Bakekang, 'tapos akala ko GMA lang 'yung nagte-taping doon sa show. 'Tapos, pumasok na ako sa loob ng tent, nag-set up na ako, lahat-lahat, natulog na ko, ganon. 'Tapos nilapitan ako ng PA, 'Ah Miss Yas, hindi po kayo dito' 'Ha bakit, may taping kami?' 'Set po ito nila Bea Alonzo.”
Kasunod nito, inalala ng StarStruck alumna na minsan na siyang napagkamalan ng isang artista na siya raw si Bea Alonzo.
“Mayroon ding time na si Donita Rose, like sabi niya sa akin, 'I watched your movie.' Sabi ko, 'Anong movie? Wala naman akong movie.' Akala niya si Bea, until noong time na 'yun talaga hanggang ngayon sobrang, sabi niya, 'Sorry talaga, akala ko ikaw si Bea,' dahil nga 'yung resemblance namin.”
Dagdag pa niya, “Pero hindi ko naisip na one day makakatrabaho kami dahil nga we're from two different worlds--doon siya sa kabila, and nandito ako. Ito, ito na 'yung time na hinihingi ng mga fans na sana maging magkapatid kami in a show.”
Sa nalalapit na pagpapalabas ng GMA drama series na Start-Up PH, mapapanood si Bea Alonzo bilang si Danica “Dani” Sison, ang kapatid ni Katrina “Ina” Sison/Diaz, ang karakter na gagampanan ni Yasmien Kurdi.
Huwag palampasin ang world premiere ng Start-Up PH, mapapanood na sa September 26, 8:50 p.m., sa GMA Telebabad!
SILIPIN ANG MGA NAGING KAGANAPAN SA SUCCESSFUL PREMIERE EVENT NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: