
Sa most-awaited GMA drama series na Start-Up Ph, isa ang karakter ni Yasmien Kurdi sa inaabangan ng mga Kapuso viewers.
Mapapanood kasi si Yasmien sa serye bilang si Katrina “Ina” Diaz (Seo In-jae/Won In-jae), ang kapatid ni Dani (Bea Alonzo).
Gaya ng kapatid niyang si Dani, si Ina ay isa ring strong, driven at ambitious na babae.
Dahil sa isang hindi inaasahang sitwasyon na kailangang harapin ng kaniyang pamilya, matututuhan niyang maging independent.
Sino nga ba ang naging inspirasyon ni Yasmien sa kaniyang karakter bilang isang young entrepreneur?
Sa latest interview ng award-winning actress sa 24 Oras, inamin niya na ang naging peg niya sa kaniyang role sa Philippine adaptation ng hit Korean series na Start-Up ay ang nakatatandang kapatid ng kaniyang asawa na isa ring entrepreneur.
Panoorin ang naging panayam ng 24 Oras kay Yasmien DITO:
Makakasama ni Yasmien sa upcoming GMA drama series ang Kapuso stars na sina Alden Richards, Bea Alonzo, Jeric Gonzales, at marami pang iba.
SAMANTALA, SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: