
Ngayong Agosto, muling mapapanood ang award-winning Kapuso actress na si Yasmien Kurdi sa GMA Afternoon Prime.
Isa si Yasmien sa mga makikilala bilang bida sa upcoming action suspense drama series na The Missing Husband.
Kamakailan lang, ibinahagi ng StarStruck alumna sa Instagram na nasilip na niya ang ilang mga eksena sa pilot episode ng kanilang serye.
Bukod dito, sinabi niyang siya ang nag-translate ng Arabic words na parte ng ilang mga eksena sa programa.
Ayon sa kanyang IG post, “Visited #TheMissingHusband 's editing booth at @gmanetwork after my guestings to translate some #Arabic words [heart emoji]."
Sinabi rin niya na napanood na niya ang ilang eksena sa pilot episode ng The Missing Husband, “Nagkaroon tuloy ako ng opportunity to have a sneak peak of our pilot episode pero di ko binuo, kasi gusto ko pa din panoorin ng sama-sama kami ng cast at staff sa house ni direk.
“Napanood ko yung mga na shoot namin sa #MiddleEast … Ang saya ko Thank you Ms. Amy and Sir Ernesto (our editor) [heart emoji]. Ang ganda ng shots @direkmark, nakakaproud August 28 na on #GMAAfternoonPrime,” dagdag pa niya.'
SILIPIN SI YASMIEN KURDI AT ANG KANYANG CO-STARTS SA SET NG THE MISSING HUSBAND:
Matatandaang maalam si Yasmien sa Arabic words dahil matagal siyang nanirahan noon sa Middle East kasama ang kanyang ama na isang muslim.
Mapapanood si Yasmien sa serye bilang isang OFW na si Millie, ang babaeng mapapangasawa ni Anton, ang karakter na gagampanan ni Rocco Nacino.
Abangan ang kanyang karakter sa The Missing Husband, magsisimula na sa August 28, sa GMA.