GMA Logo Yasser Marta at Sparkle contract signing event Signed for Stardom 2024
Photo by: Gerlyn Mae Mariano
What's Hot

Yasser Marta sa 7 years sa GMA: 'Hindi nila ako pinabayaan'

By Aimee Anoc
Published May 21, 2024 3:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DPWH cancels opening of Davao City road project
Lee Victor, Iñigo Jose express admiration for Caprice Cayetano: 'She's like an angel'
BTS's Jin brings cocktail collab into the spotlight at fan event

Article Inside Page


Showbiz News

Yasser Marta at Sparkle contract signing event Signed for Stardom 2024


Ipinarating ni Yasser Marta ang pasasalamat sa Kapuso Network na, aniya, mula simula ay hindi siya pinabayaan, sa naganap na contract signing event ng Sparkle na Signed for Stardom 2024.

Masaya at nagpapasalamat ang dating Lovers & Liars actor na si Yasser Marta na maipagpatuloy ang mahigit pitong taong karera sa showbiz sa Kapuso Network.

Kabilang si Yasser sa mga pumirma ng kontrata sa naganap na contract signing event ng Sparkle na Signed for Stardom 2024 noong May 16.

Sa contract signing, ipinarating ni Yasser ang pasasalamat sa GMA na, aniya, mula't simula ay hindi siya pinabayaan.

"Seven years na rin ako sa GMA, sobrang thankful ako. Ever since na nagsimula ako rito, hindi nila ako pinabayaan," pasasalamat ng aktor.

Pagpapatuloy niya, "Hindi lang seven years, nu'ng Walang Tulugan [with the Master Showman] pa, noong nandito pa si Tatay (German Moreno). Isang dekada na rin ang lumipas.

"And, saan ba ako nanggaling, wala naman akong ibang pinanggalingan. Pero ngayon, nandito ako ngayon, hinubog ako ng GMA. Maraming, maraming salamat po GMA. Marami pa po tayong gagawin. Mahal na mahal ko po kayo."

Huling napanood si Yasser sa primetime series na Lovers & Liars kung saan nakatambal niya ang Optimum Star na si Claudine Barretto at Sparkle actress Shaira Diaz.

Bukod dito, napanood na rin ang aktor sa iba't ibang shows sa GMA tulad ng Black Rider, Mga Lihim ni Urduja, What We Could Be, Daddy's Gurl, at marami pang iba.

TINGNAN ANG HOTTEST PHOTOS NI YASSER MARTA SA GALLERY NA ITO: