GMA Logo Yassi Pressman
What's on TV

Yassi Pressman, may relasyon nga ba kay Gov. Luigi Villafuerte?

By Jimboy Napoles
Published September 14, 2023 6:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, easterlies to bring rains over parts of PH
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Yassi Pressman


Inamin ni Yassi Pressman sa Fast Talk with Boy Abunda ang tunay na namamagitan sa kanila ni Camarines Sur Governor Luigi Villafurte.

Inamin ng nagbabalik-Kapuso na si Yassi Pressman sa Fast Talk with Boy Abunda ang tunay na namamagitan sa kanila ni Camarines Sur Governor Luigi Villafurte.

Sa September 14 episode ng nasabing programa, game na game na nakipagkuwentuhan si Yassi sa batikang TV host na si Boy Abunda.

Isa sa mga napag-usapan nila ay tungkol sa buhay pag-ibig ngayon ng aktres. Matatandaan na kamakailan lamang din ng kumpirmahin ni Yassi ang hiwalayan nila ng ex-boyfriend at basketball player na si Jon Semira.

Matapos ito, lumabas naman sa social media ang mga larawan nina Yassi at Gov. Villafuerte nang magkasama na agad binigyang kulay ng ilang netizens.

Paglilinaw dito ni Yassi, “Ano lang din po Tito Boy, very happy to be spending more time together.”

Dagdag pa niya, “Again, I don't want to put labels on to anything anymore. I'm not rushing into anything anymore. So parang kung saan na lang po ako nagiging masaya kasi mahirap po talaga 'yung pinagdaanan ko and now. So wherever I'm happy I'll stay there.”

Pero matapos ito, muling tinanong ni Boy si Yassi, “Yes or no, masaya ka na kasama si Luigi?”

Nakangiting sagot ni Yassi, “Masaya naman po. Masaya po.”

Samantala, mapapanood si Yassi sa upcoming GMA action series na Black Rider kung saan katambal niya ang Kapuso actor na si Ruru Madrid. Pero bago ito, mapapanood muna rin sina Yassi at Ruru sa pelikulang Video City ngayong September 20 sa mga sinehan.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.