
Suportado ng aktres na si Yassi Pressman ang naging unang paglabas sa publiko bilang magkasintahan ng kapatid niya na si Issa Pressman at boyfriend nito na si James Reid.
Matatandaan na usap-usapan ang naging pagdalo nina Issa at James sa Preview Ball kamakailan. Ito ang unang beses na nagpakita sa publiko ang dalawa ng magkasama matapos ang halos isang taon nang makumpirma ang kanilang relasyon.
KILALANIN SI ISSA PRESSMAN SA GALLERY NA ITO:
Sa pagbisita naman ni Yassi sa Fast Talk with Boy Abunda, hiningan siya ni Boy Abunda ng reaksyon tungkol dito.
Sagot ni Yassi, “I think nasabi naman na po nila lahat ng kailangan nilang sabihin. But if they went out for the last Preview Ball, it's their first time to come out and makapagsalita po in months galing sa isang napakalalang operasyon. So, I'm just glad the she's even able to talk now.”
Ayon pa kay Yassi, masaya siya kung saan masaya ang kapatid na si Issa. Aniya, “So kung saan po siya masaya doon na rin po ako.”
Samantala, mapapanood naman si Yassi sa upcoming GMA action series na Black Rider kung saan katambal niya ang Kapuso actor na si Ruru Madrid. Pero bago ito, mapapanood muna rin sina Yassi at Ruru sa pelikulang Video City ngayong September 20 sa mga sinehan.
Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.