GMA Logo Yassi Pressman
What's Hot

Yassi Pressman, pangarap makapagpatayo ng sports camp para sa kabataang Pinoy

By Marah Ruiz
Published February 13, 2024 6:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pride colors on full display in UP Diliman
Joy Barcoma confirms she will not have a final Miss Philippines Earth walk
Bacolod fortifies borders vs ASF

Article Inside Page


Showbiz News

Yassi Pressman


Pangarap ni Yassi Pressman na makapagpatayo ng sports camp para mapalago ang pagmamahal ng kabataang Pilipino sa iba't ibang larong pangpalakasan.

Kung sakali daw na manalo sa lotto ang aktres na si Yassi Pressman, sa isang espesyal na proyekto daw niya ilalaan ang malaking halaga ng pera na ito.

Ibinahagi 'yan ni Yassi sa isang interview sa set ng full action series na Black Rider.

"Isa sa mga talagang gusto kong gawin is mag-build ng camp para sa mga young Filipinos na [para] talagang mahilig po sana sila sa sports at magkaroon po sila ng mga kakaaliwan and new hobbies. Sana we could build parang the next great fighters na mapapamahal sa mga Muay Thai and self-defense, pati boxing parang si kuya Manny (Pacquiao)," lahad ng aktres.

Involved sa iba't ibang sports si Yassi. Makikita sa kanyang Instagram account na mahilig siya sa free diving, surfing, aerial yoga at Muay Thai.

A post shared by Christian Cee (@the.christian.cee)


Nagagamit din niya sa seryeng Black Rider ang hilig niya sa motocross at gunfiring.

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman)


Mahilig din si Yassi sa golf at tinuruan pa niya nito ang kanyang Black Rider co-star na si Ashley Sarmiento.

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman)


Samantala, katatapos lang ni Yassi sa filming ng kanyang Korean-Filipino movie na The Guardian.

Gumaganap siya sa pelikula bilang Sandara, isang babaeng nangangarap making K-pop idol.

Ang The Guardian ay kuwento ng pagmamahal ng isang anak para sa kanyang ina.

Pagbibidahan ito ni Infinite member Nam Woo-hyun na gaganap bilang Park Do-jun, isang mahusay na taekwondo athlete na maninirahan sa Pilipinas dahil sa gambling addiction ng kanyang ina.

Dahil na rin sa pagkakalulong sa sugal, biglang maglalaho ang ina ni Do-jun at gagawin niya ang lahat para mahanap ito.

Kasama rin sa pelikula sina Joko Diaz, Jeric Raval at Wilbert Ross, pati na ang South Korean actors na sina Park Eun-hye at Han Jae-seok.

Ang The Guardian ay collaboration ng Viva Films, Ovation Productions, Parallax Studio, Robosheep Studios, GV Labs, and Will Studios.