GMA Logo Yassi Pressman
Celebrity Life

Yassi Pressman, pinaiyak ng isang TNVS driver

By Marah Ruiz
Published August 17, 2024 6:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

For those entering the New Year tired – but still hopeful
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Yassi Pressman


Bakit napaiyak si Yassi Pressman habang kausap ang isang TNVS driver?

Naging emosyonal ang aktres na si Yassi Pressman dahil sa experience niya habang nasa sasakyan na na-book niya gamit ang isang ride-hailing app.

Sa isang maikling video sa Instagram, ibinahagi niya ang kanyang kakaibang communting experience.

Habang kausap niya ang driver na si Josh, ibinahagi nito na ipinangalan nila ng kanyang asawa ang panganay nilang anak kay Yassi.

Ipinakita pa niya sa aktres ang litrato ng kanyang anak.

"Kuya, ang swerte ko naman na ikaw 'yung nag-drive sa akin. Naiyak naman ako," maririnig na sambit ni Yassi sa video.

Nakausap pa niya sa isang maikling video call ang asawa ni Josh na si Girlie pati na ang anak nilang si Yassi.

Lubos na na-touch ang aktres dito dahil malaking paalala raw ito na maraming taong nagmamahal at sumusuporta sa kanya.

"Commuter mode yesterday and what are the odds that i met kuya josh, my driver yesterday, who named his daughter after me?! 🥺 i cry!! the universe will always have a way of telling you that you are surrounded by so much love and i hope you guys feel that too ✨

"I love you guys, salamat palagi," sulat niya sa Instagram.

Isang post na ibinahagi ni Yassi Pressman (@yassipressman)

Napanood si Yassi kamakailan sa katatapos lang na full action series na Black Rider kung saan nakasama niya sina primetime action hero Ruru Madrid, K-drama actor Kim Ji Soo, Rio Locsin at marami pang iba.

Nagtala ang finale episode nito ng 15.6 combined ratings mula sa GMA-7, GTV, at Pinoy Hits ayon sa Nielsen Philippines. Ito ang all-time high ng programa sa buong run nito.