GMA Logo Yayo Aguila
Source: yayoaguila (IG)
What's on TV

Yayo Aguila sa paggawa uli ng intimate scenes: 'Okay na 'ko'

By Kristian Eric Javier
Published July 29, 2026 1:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Vice President Sara Duterte Defense Team presscon (July 29, 2026) | GMA News
DOT is hosting a free watch party for SB19's Lollapalooza performance
Marcos inspects housing project in Duterte stronghold Davao City

Article Inside Page


Showbiz News

Yayo Aguila


Wala na umanong balak si Yayo Aguila na gumawa ng intimate scenes. Alamin dito kung bakit.

Ang kissing scene nina Yayo Aguila kay at Kapuso actor Royce Cabrera () para sa 2019 Cinemalaya film na Fuccbois ay isa sa mga pinag-usapang pelikula. Sa isang panayam, sinabi ng aktres na hinding-hindi na niya uulitin ang paggawa ng ganoong mga eksena.

Kasama si Martin del Rosario sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, July 29, inamin ni Yayo na ginawa lang niya ang naturang pelikula na may ganoong eksena para makalabas sa kaniyang comfort zone.

“I've been typecast all my acting life as the nanay: The nanay na kawawa, inaapi, sinasaktan, palaging ganu'n. So naisip ko nu'ng time na 'yun, 'Meron pa naman akong ibang kayang gawin. Papaano kung magasgas na ako sa ganu'ng role? Baka akala nila wala akong kayang gawin,'” sabi ni Yayo.

Nasa panahon na rin umano siya ng kaniyang karera kung saan gusto niyang patunayan sa sarili na kaya niyang gawin ang mga bagay na lampas sa kaniyang comfort zone.

“As an actor, gusto kong malaman kung hanggang saan po 'yung kaya ko,” sabi ng aktres.

Ayon pa sa kaniya, very supportive naman ang kaniyang mga anak. Pero paglilinaw ng aktres, hindi naman to the point na papanoorin nila lahat ng kaniyang pelikula o proyekto.

“Kasi minsan ayaw nila, or tinatamad sila, or busy sila. Pero sila 'yung mga number one supporters ko. Because they trust me sa mga decisions ko,” sabi ni Yayo.

Binalikan din ni King of Talk Boy Abunda ang pahayag noon ni Yayo sa isang interview na ayaw na niyang gumawa ng ganoong klaseng eksena. Paglilinaw ng aktres, “Pero sinasabi ko lang talaga na ayaw ko nang gawin kasi nagawa ko na.”

Panoorin ang panayam kina Yayo at Martin dito:

TINGNAN ANG AGELESS BEAUTY NI YAYO SA GALLERY NA ITO: