
Para kina sexy star Yen Durano at Jenn Rosa, hindi dapat tinitiis o pinalalampas ang pananakit ng mga lalaki sa kanilang partner. Sa halip, dapat umano lumaban o umalis na sa isang relasyon ang mga kababaihan kapag may pisikalan nang nagaganap.
Ito ay kaugnay ng akusasyon ni vlogger-DJ Jellie Aw sa kaniyang fiancé na si Jam Ignacio ng pambubugbog kamakailan lang. Sa isang Facebook post, ibinahagi niya ang litrato ng kaniyang mga sugat, na natamo umano niya sa pananakit ng kaniyang nobyo.
“HAPPY VALENTINES?taena mo Jam Ignacio mapapatay moko wala akong ginawang masamA para ganituhin moko halos mamatay ako sa ginawa mo! papalukong kita!,” caption ni Jellie sa kaniyang post.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyekules, February 12, tinanong ni King of Talk Boy Abunda kung ano ang opinyon nina Yen at Jenn patungkol sa pananakit ng mga kababaihan.
Pag-amin ni Jenn, naranasan na niya ito sa kaniyang ex, kaya naman nag-iwan rin siya ng payo sa ibang mga kababaihan, “Naranasan ko talaga 'yung dumudugo 'yung ulo ko sa bugbog, so para sa'kin, dapat kayong mga girls, tapangan niyo.'Pag nakaranas na kayo ng kahit onting pisikal, kasi sign na 'yun, e. Red flag na 'yun, girls, magtutuloy-tuloy sila ,pag once na pumayag kayong saktan kayo."
Saad naman ni Yen, “For me, it's against the law, it's literally in the magna carta of women."
Bagamat hindi pa niya ito naranasan, sabi niya, "For me, maranasan ko 'yun, baka umisa lang ako and then, aalis na 'ko.”
TINGNAN ANG IBA PANG CELEBRITIES NA NAKARANAS DIN NG HARASSMENT SA GALLERY NA ITO:
Samantala, ngayong nalalapit na ang Valentine's day, kinumusta naman ni Boy ang mga puso nina Yen at Jenn. Wika ng huli,tatlong taon na siyang single dahil pinili niyang huwag munang magkaroon ng relasyon nang pumasok siya sa Vivamax.
Paliwanag ni Jenn, “Kasi nu'ng nag-decide ako nu'ng pumasok ako ng Vivamax, no jowa talaga kasi, siyempre, hindi ko mabibigay 'yung lahat ko, Tito Boy, 'pag sa scene kasi iisipin ko siya, e.”
Samantala, taken man siya ngayon, hirit ni Yen, siya ay “minsan taken for granted.”
Ang ginagawa na lang umano ng aktres kapag siya ay taken for granted, “I just focus on myself, I work out, I direct my energy to me.”
Panoorin ang panayam sa kanila dito: