
Ilang araw na ang nakalilipas pero usap-usapan pa rin sa social media ang 20th anniversary concert ng The Voice Kids coach na si Yeng Constantino, na pinamagatang “Biyaheng Bente.”
READ: Julie Anne San Jose shares heartwarming backstage moment with Yeng Constantino
Bukod sa pag-perform ng Pop-Rock Royalty sa kanyang iconic hits, pinag-usapan din ang celebrities na dumalo sa show, kabilang na ang It's Showtime host na si Ryan Bang.
Dito ay naungkat ang nakaraan nina Yeng at Ryan, na na-link noon. Sa ngayon, 11 years married na si Yeng kay Yan Asuncion at noong Hunyo lamang ay inanunsyo ni Ryan ang kanilang breakup ng kanyang fiancee na si Paola Huyong.
Sa concert, ipinaliwanag ni Yeng kung bakit hindi sila nauwi ni Ryan sa pagiging magkasintahan noon.
Pag-amin niya, "Sineen-zone niya ako. Crush na crush kita noon. Tapos ako yung nanlilibre sa kanya pang-date, e sobrang gusto ko siya. Pumunta ka lang sa restaurant, ako na bahala sa 'yo kasi crush kita, e."
Pahiwatig pa ni Yeng, nanghinayang si Vice Ganda sa “almost romance” nila ni Ryan.
READ: Vice Ganda reassures Ryan Bang: 'Love will find you'
“Tapos 'yung one time na 'yun akala nila gimik 'yon sa Showtime, na para bang gumagawa tayo ng chismisan para sa rating daw gano'n. Hindi talaga. Sobrang random, parang hindi ko alam nangyari sa sarili ko bigla na lang ako nag-comment ng 'Di ba, Ryan Bang?' gumano'n lang ako. Tapos si Mamsy (Vice Ganda) may gatong naman, 'Hay,' gumano'n si Meme. So 'yon nga nabunyag na nga na na-seen zone mo ako."
Gayunpaman, thankful si Yeng sa pinagsamahan nila ni Ryan na kaibigan na niya ngayon.
Aniya, "Pero sobrang thank you na nilinaw mo rin ang istorya natin kasi that gave me a context na 'di naman pala ako pangit, na nagustuhan mo pa rin pala ako but it was not the right time.
“Salamat pa rin, bro, sobra. I celebrate you, lahat ng business mo at kung gaano ka kagwapo ngayon. Siyempre 'pag kaibigan mo, iaangat mo parang poon. Ryan, I love you, my friend."
Matapos ang revelation ni Yeng, kinilig ang buong Araneta Coliseum nang kantahan ng singer si Ryan ng "Sabihin Mo Na."
Samantala, kabilang si Yeng sa coaching panel ng bagong season ng The Voice Kids, kasama sina Julie Anne San Jose at Gloc-9.
Mapapanood ang The Voice Kids simula September 13 sa oras na 7:00 p.m. sa GMA at GMA Play.
RELATED GALLERY: Yeng Constantino, Gloc-9 join Julie Anne San Jose as coaches on 'The Voice Kids' new season