
Looking forward na ang binansagang "Pop Rock Royalty" na si Yeng Constantino sa kaniyang very first project sa GMA.
Kahapon, July 16, ipinakilala si Yeng bilang isa sa bagong coaches ng Kapuso singing competition na The Voice Kids, kasama ang rapper at songwriter na si Gloc-9 at ang returning coach na si Limitless Star Julie Anne San Jose.
Sa panayam ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, sinabi ni Yeng na isa itong oportunidad na hindi niya kayang palagpasin.
Ani ng "Hawak Kamay" hitmaker, "Bilang isang mang-aawit, 'yung maging coach ka ng 'The Voice Kids', isa 'yun sa mga nasa checklist ko na gusto mong magawa sa iyong career. And I'm just so grateful na ibinigay po ito ng Panginoon in His right time."
Bilang mentor, handa nang magbahagi ng kaniyang talento at kaalaman si Yeng na ipagdiriwang ang kaniyang 20th anniversary sa industriya ngayon taon.
Ano naman kaya ang mga katangian na hinahanap niya sa isang aspiring young singer na magpapaikot sa kaniyang upuan?
Sagot niya, "Ang gusto ko po talaga 'yung something unique, 'yun po talaga. 'Yung may identity pagdating sa pagpe-perform tapos gusto ko po 'yung marubdob, 'yung maramdamin. 'Yung first line pa lang, kikilabutan ka na."
Sumang-ayon naman dito ang fellow The Voice Kids coach niyang si Gloc-9.
Sabi niya, "Tama 'yung sinabi ni Yeng, 'yung unang line pa lang, nakuha mo na 'ko. Parang regardless kung nasa mataas na note ka ng song, alam mo na naman 'yung unang timbre pa lang ng pagkanta."
Dahil ito na ang ikaapat na taon na magiging parte si Julie Anne ng coaching panel ng The Voice Kids, nagbigay siya ng advice sa dalawang bagong makakasama niya sa iconic red chair.
Ika ng Sparkle artist, "Be ready kasi mind, heart, and soul talagang apektado ka. It's a great experience pero nakakababa but, at the same time, paglalaruan niya 'yung emotions mo especially dealing with kids."
Abangan ang The Voice Kids soon sa GMA.
SAMANTALA, BALIKAN ANG WINNING MOMENTS NG THE VOICE KIDS REIGNING CHAMP NA SI SOFIA MALLARES.