GMA Logo yeng constantino
Source: Gerlyn Mae Mariano & It's Showtime (ABS-CBN News YouTube channel)
What's Hot

Yeng Constantino, naniniwalang makakahanap din ng true love si Ryan Bang

By Jansen Ramos
Published September 4, 2026 6:51 PM PHT
Updated September 5, 2026 4:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - PCG press conference on MV June Aster fire off Coron, Palawan | GMA News
Francis Libiran reaches out to Bangsamoro community following Inaul fabric controversy
Daig Kayo Ng Lola: Lalaban na sila! | Teaser

Article Inside Page


Showbiz News

yeng constantino


Ipinagdarasal ng 'The Voice Kids' coach na si Yeng Constantino na makilala ni Ryan Bang ang babaeng makakatuluyan niya.

Positibo ang Pop-Rock Royalty na si Yeng Constantino na mahahanap din ng host/comedian na si Ryan Bang ng babaeng karapat-dapat para rito.

"Siyempre, naman makakahanap at makakahanap si Ryan," ani Yeng sa tanong ng press at media sa media conference ng bagong season ng The Voice Kids ngayong Biyernes, September 4.

READ: Meet the Next Generation of Stars: The Voice Kids Premieres September 13 on GMA

Isang linggo matapos ang sold-out two-night concert ni Yeng sa Araneta Coliseum, naungkat ang nakaraan nila ni Ryan na na-link sa kanya noon. Dumalo si Ryan, kasama ang kapwa niya It's Showtime host na si Vice Ganda sa concert ni Yeng, kung saan personal na hinarana ng singer si Ryan.

Kahit naunsyami ang kanilang "almost romance", walang bad blood sa pagitan nina Yeng at Ryan at panay papuri pa ang mang-aawit sa huli.

READ: Yeng Constantino at Ryan Bang, bakit nga ba hindi nagkatuluyan?

Ani Yeng, "Sa pagkakakilala ko po kay Ryan, napakabait po talaga no'n.... God has perfect timing for everybody, 'di po question kung deserving ba siya ng pagmamahal. Of course, he deserves to be loved, to be cared for, to be seen. He deserves all of that."

Ayon pa kay Yeng, ipinagdarasal niya na makilala na ni Ryan ang kanyang true love. Noong Hunyo lamang, inanunsyo ni Ryan ang kanilang breakup ng kanyang fiancée na si Paola Huyong.

"Ako sa side ko, gusto ko na ma-meet n'ya yung person na deserve din yung kaya niyang ibigay. Grabe yung capacity ni Ryan, napakalaki ng puso ny'a. As in, grabe magmahal talaga, so ako I believe, konting katok na lang 'to kay Lord sa langit."

READ: From viral proposal to sudden split: Ryan Bang and Paola Huyong's relationship timeline

Samantala, ibinahagi ni Yeng na very understanding ang kanyang asawa na si Yan Asuncion sa history nila ni Ryan.

Sabi niya, "He's very realistic na bata talaga kami at that time. Mas bata actually sa 'kin si Ryan ng three years, four years. I think he was just 18 no'ng time na yun. Parang 21 po yata ako no'n. Medyo bata pa kami."

Ang mahalaga ngayon para kay Yeng ay pareho silang nag-mature ni Ryan at hindi nasira ang kanilang pagkakaibigan.

Ika niya, "Ang maganda naman sa nangyari sa amin, we both see yung magaganda rin na memories. We were able to able to talk through messages after the concert and even days after, and he was also able to tell me things na before na 'di po namin napag-uusapan. I'm so grateful for Ryan's vulnerability. Sobrang real n'ya. Napakaganda ng heart sobra, sobrang ganda talaga ng heart ni Ryan."

Hanga rin si Yeng kung paano pinalago ni Ryan ang kanyang mga negosyo.

"Kaming mag-asawa talagang we're rooting for him na dumating yung time [na makilala n'ya na yung para sa kanya]. And all his businesses are thriving. Grabe, this is amazing. Siguro talagang si Lord din may ginagawa pa sa life n'ya at talagang bine-bless din lahat ng hinawakan ni Ryan na mga negosyo."

READ: How Ryan Bang's businesses are connected to him and his loved ones

After everything, tanggap ba ni Yeng na God's plan na hindi talaga sila ni Ryan para sa isa't isa?

Sagot niya, "Kami pong mag-asawa, napaka-magical din po ng story namin. Pinagtagpo kami ni God sa time na humihingi na rin po ako ng asawa. No'ng time na yun sabi ko, 'God, lonely na ako.' Sabi ko, 'Lord, gusto ko na mag-asawa' no'ng time na yun.'

"And it was the time na dumating din si Yan sa buhay ko and I was open to getting married already kasi it was really fast kasi six months, eight months, nag-propose na agad si Yan, e. Kasi, hinog na po talaga ang mangga at dapat nang pitasin. Ano po talaga, season po talaga."

Samantala, kabilang si Yeng sa coaching panel ng bagong season ng The Voice Kids, kasama sina Julie Anne San Jose at Gloc-9.

Mapapanood ang The Voice Kids simula September 13 sa oras na 7:00 p.m. sa GMA at GMA Play.

Related gallery: Yeng Constantino, Gloc-9 join Julie Anne San Jose as coaches on The Voice Kids new season