GMA Logo you are my heartbeat
What's Hot

You Are My Heartbeat: Winnie gets caught for sabotaging Katrina!

Published February 4, 2023 4:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Welcome everyone to the church, says Cardinal Advincula
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

you are my heartbeat


Nabunyag na ang lahat ng pananabotahe ni Winnie kay Katrina.

Sa ikaapat na linggo ng You Are My Heartbeat, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Katrina (Mai Davika Hoorne) at Denver (Jackie Jackrin Kungwankiatichai) dahil hindi nakuha ng una ang model na si Danica bilang endorser.

Nang magpatingin sa doctor si Rocky (Push Puttichai Kasetsin), hindi niya matanggap na si Katrina ang dahilan sa mabilis na pagtibok ng kanyang puso at hindi kung anumang sakit.

Nakipagkita naman sina Rocky at Katrina kay Danica upang pag-usapan muli ang pagiging endorser ng huli sa kanilang kumpanya, ngunit mayroong isang kondisyon ang modelo. Sinabi ni Danica na ayaw niyang makialam si Katrina sa kanilang proyekto.

Nang dahil sa pangmamaliit ni Danica kay Katrina, inurong ni Rocky ang offer nitong proyekto sa female artist bilang endorser ng New Horizons.

Tila nawala naman ang pagiging neat freak ni Rocky dahil nagawa na niyang makipag-share ng kutsara at instant noodles kay Katrina kahit walang kasiguraduhan kung malinis ito.

Matapos ito, hindi naging maganda ang pakiramdam ni Rocky kaya inalagaan siya ni Katrina hanggang sa bumuti ang pakiramdam nito.

Naaksidente naman si Katrina sa photoshoot ni Danica at agad siyang dinala ni Rocky sa ospital at ang huli mismo ang nag-alaga sa kanya.

Inakusahan naman ni Danica si Katrina ng plagiarism matapos magkaroon ng dalawang magkaparehong designs nang i-launch ang una bilang endorser ng New Horizons.

Napatunayan naman na hindi nanggagaya ng design si Katrina matapos ipakita ng isang empleyado ang video ni Winnie na sinasabotahe ang una. Pinagsabihan ni Rocky si Winnie na huwag nang uulitin nito ang ginawa niya sa GU Group kung hindi ay itutuloy niya na idemanda ang huli.

Subaybayan ang You Are My Heartbeat, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m., sa GMA.

Balikan ang mga nakaraang tagpo sa You Are My Heartbeat dito.

You Are My Heartbeat: Rocky, the in denial king | Episode

You Are My Heartbeat: Taking care of my grumpy boss | Episode

You Are My Heartbeat: The romance between the boss and the designer | Episode

You Are My Heartbeat: The traitor has been caught | Episode