
Ilang beses na ba kayo pinatawa nang Kapuso comedian na si Boobay o Norman Balbuena sa totoong buhay, bilang Bluffer sa hit comedy game show na Celebrity Bluff hosted by Eugene Domingo?
Napatunayan na ang bilis at talas sa isip ni Boobay kapag bumitaw ng panalong punchlines at jokes na tiyak nagpasakit ng tiyan n'yo sa kakatawa.
Hindi din rin nagpadaig ang stand-up comedian sa drama o aksyon man sa tuwing sasalang sa Celebrity Bluff.
Kaya handog ng comedy channel na YouLOL ang “havey” na moments ng Bluffer na si Boobay na masarap ulit-ulitin!