
May plano sina Mara (Maureen Larrazabal) at Tere (Cherry Malvar) na mag-organize ng isang Halloween party online para sa mga empleyado ng PM Mineral Water.
Kaso, number one na kontra dito si Vincent (Tony Lopena)! Bukod daw sa hindi siya makakapag-costume nang bongga, hindi din nakakatuwa ang cash prize na Php 20,000 para sa employee na hataw sa pag-sayaw.
Totoo kaya walang interes si Vincent sa cash prize ng kanilang Halloween contest?
Saan kaya siya kukuha ng pera nang biglaang tumawag ang kanyang “oppa” at nanghingi ng datung?
Balikan ang kulitan sa number one Kapuso sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento last Saturday night sa video above.
Puwede ang 24/7 na tawanan kasama ang mga paborito ninyong Kapuso comedians at comediennes. Just hit the like and subscribe button to get the latest update and more exclusive content on the comedy channel YouLOL!
Tony Lopena, ipinasilip ang "new normal" sa taping ng 'Pepito Manaloto'
John Feir, Mosang, nagbangayan ba nang magkita sa taping ng 'Pepito Manaloto'?
Michael V., dasal ang naging sandigan nang mag-positive sa COVID-19