
Fun and exciting ang Miyerkules ng gabi tampok ang malalambing at masayahing kiddie contestants sa Family Feud.
Ang Family Feud Philippines sa GMA ang kauna-unahang gumawa ng kiddie edition sa history ng Family Feud franchise sa buong mundo. Ngayong August 27, ang kids na young dreamers and achievers naman ang maghaharap sa Family Feud.
Maglalaro sa Team Malambing si Swayden Carl Keith De Jesus (12), ang seventh grader na may passion sa acting, singing, and chess at nangangarap na maging chef o sundalo. Kasama ni Swayden ang kaniyang teammates na sina Hope “Hopie” Summer Skye Alonte (8), ang third-grader, youngest member of the team at into reading books, playing the piano, and voice acting; Psalm Andrei San Agustin (10), ang sixth grader na may hobbies na basketball, biking, and online games at gustong maging successful businessman; at si Zed Elizze Regates (10), ang sixth grader na into dancing, singing, at beatboxing na gusto namang maging director or performer in the future.
Mula sa Team Masayahin, mapapanood ang sixth grader na into drawing, acting, singing, and modeling, at gustong maging aktor na si Ruslan Jacob Asumbrado (11). Makakasama niya sa Team Masayahin si Cazhe Anaya Gayotin (9), ang fourth grader na into dance, acting, at drawing na gustong maging doktor o sundan ang career ng kaniyang idol na si GMA Primetime Queen Marian Rivera. Kasali rin si Jieleen Andrei Buensuceso (10), ang sixth grader na may passion for acting na nangangarap na maging aktor at si Klein Hiro Banico (10), ang sixth grader na may skills sa rapping, modeling, and dancing, at may pangarap na maging engineer.
Makisaya with the cute and bibo contestants sa Family Feud ngayong August 27, 5:40 p.m. sa GMA.
Ngayong Agosto, uulan ng saya at babaha ng papremyo sa Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000!
Panoorin ito para sa paraan ng pagsali sa Guess More, Win More promo: