
Battle between Your Honor and The Guessperts ang matutunghayan sa bagong episode ng Family Feud.
Ngayong August 19, saksihan ang pagalingan sa Family Feud stage ng dalawang celebrity teams. Mayroon pang papremyo para sa lucky home viewers na sasali sa Guess More, Win More promo. Sa Guess More, Win More promo, walong winners ang mananalo ng PhP 10,000 araw-araw at isa ang may pagkakataong makapag-uwi ng PhP 100,000 kada linggo sa Family Feud.
Maglalaro ngayong Martes ang Your Honor hosts mula sa GMA Entertainment Group's online platform na YouLol at isa sa most-watched vodcasts on Spotify Philippines. Kabilang sa team na ito sina Madam Chair Chariz Solomon, Vice Chair Buboy Villar, ang aspiring actress at partner ni Buboy na si Isay Sampiano, at ang makeup artist na si Arianne Abille.
Mula naman sa The Guessperts ang self-proclaimed experts of guessing. Ang team captain ng The Guessperts ay ang versatile actress na si Ryza Cenon. Makakasama niya ang cinematographer, producer, at partner ni Ryza na si Migs Cruz; ang online seller and close friend niyang si Abby Serrano; at ang makeup artist na si Nessa Salvador.
Siguradong kaabang-abang ang tapatan ng Your Honor at The Guessperts kaya tutukan ito sa Family Feud!
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000! Panoorin ito para sa paraan ng pagsali sa Guess More, Win More promo: