What's on TV

Your Honor: Ed Chico, saan mas malakas ang kita, as lawyer o stand-up comedian?

By Aedrianne Acar
Published June 3, 2026 5:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Minor eruption observed at Taal Volcano's main crater — PHIVOLCS
Students in Iloilo protest choice for recognition day speaker
MURO-AMI: THE MAKING | PART 2

Article Inside Page


Showbiz News

Ed Chico


Ed Chico sa House of Honorables: “Hindi ako plastic, kailangan ko ng pera.”

Paldo ilarawan ng sikat na lawyer na si Ed Chico ang kinikita niya bilang isang abogado kumpara sa pagiging stand-up comedian.

Ito ang confession ni Atty. Ed sa pagharap niya sa House of Honorables na sina Chariz Solomon at Buboy Villar.

Pag-amin ng resource person kay Madam Cha at Vice Chair Buboy, “Ang maganda kasi sa akin even 'yung lawyering 'tsaka 'yung pagko-comedy ko hindi ako plastic, kailangan ko ng pera.”

Dagdag niya, “But, money has not always been my consideration. I realized if you're passionate about something and you do it, money will be there. Pero kasi, ang problema kapag siya 'yung naging goal mo nagko-compromise ka na.”

Kahit may nagpayo sa kanya noon na maging pabor sa isang political group ang content niya ay hindi raw niya ito ginawa.

“Ang kailangan mo ngayon mouthpiece e. But I've never done that kahit nakaka-tempt 'yan. I have to stand by what I believe in and I've realized 'yung nakukuha mong followers, kagaya mo rin sila na gusto nila na maging objective ka. Gusto nila matuto, hindi ma-brainwash and that's basically what I'm doing,” lahad ni Atty. Ed.

“So ngayon, 'pag tinanong mo ako ano 'yung malaking kita -- mabait naman providentially. maganda naman kita ko bilang abogado sa totoo lang. 'Yung comedy ko maganda rin 'yung kita ko.”

RELATED CONTENT: Podcast duos dominating online conversation right now