
Timeout muna sa matinding drama sa Apoy sa Dugo si Fonz dahil sasalang siya sa "In Aid of Plot Twists: Mina-manifest Ba?" session ng Your Honor ngayong Sabado, May 23.
Sa pagharap niya sa House of Honorables na sina Chariz Solomon at Buboy Villar, ibabahagi ng kilalang content creator ang opinyon niya tungkol sa plot twist, na ginagamit na termino kapag may hindi inaasahang pagbabago sa isang sitwasyon o buhay ng isang tao.
Para kay Fonz, plot twist ng kaniyang buhay ang makilala ang tinaguraing Queen of All Media na si Kris Aquino.
“Ang plot twist kasi yan 'yung hindi mo inaasahan, siguro sa pinaka 'ultimate na plot twist' is 'yung napasok nga kayo Madam Kris Aquino," aniya.
Abangan ang chikahan with Fonz Your Honor ngayong May 23, pagkatapos ng Pepito Manaloto, 8:15 p.m., sa YouLOL YouTube channel.
Related gallery: Get to know Fonz, the content creator with a hilarious twist