
Mga toxic people out there, makinig!
Isang makabuluhang session ang gagawin nina Madam Chair Tuesday Vargas at Vice Chair Buboy Villar sa Your Honor this Saturday, May 10, dahil paguusapan ng House of Honorables sa session nila ang topic na pinamagatang "In Aid of Unfriendship: Mga Toxic mong Friends."
Makakasama nina Tuesday at Buboy ang matalik na magkaibigan at mga bida sa My Guardian Alien na sina Kiray Celis at content creator Christian Antolin!
Yayain ang barkada at tutukan ang Your Honor sa YouLOL YouTube channel, ngayong May 10 pagkatapos ng award-winning sitcom na Pepito Manaloto.
RELATED CONTENT: Kiray Celis at Christian Antolin, inamin ang suweldo bilang artista at content creator