GMA Logo Katya Santos and James Blanco
Source: Youre My Favorite Song
What's on TV

You're My Favorite Song: Enrico, ililigtas si Mama Bebe sa kulungan!

By Mark Joseph F. Carreon
Published July 22, 2026 12:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

WALANG PASOK: Class suspensions for Thursday, July 30, 2026
Truck crashes into NLEX bridge railing in Pampanga
Makati's Problem Child is PH's best bar for 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Katya Santos and James Blanco


Abangan ang pagliligtas ni Enrico (James Blanco) kay Mama Bebe (Katya Santos) sa You're My Favorite Song!

Sa kabila ng saya at kilig sa Brighton Bay Ball, sunud-sunod naman ang masamang plano ni Serina (Kazel Kinouchi) upang pabagsakin ang pamilya Dimaculangan, tapusin ang asawang si Enrico, at mahanap ang tunay na tagapagmana ng mga Montaverde na si Celestine.

Matapos niyang malaman na buhay pa ang asawang si Enrico, na minsan na niyang pinagtangkaang pasabugin sa isang yate upang palabasing patay na, pinagtangkaan rin ni Serina ang buhay ng katiwala ni Enrico na si Lady Mara (Wilma Doesnt).

Ipinadampot ni Serina si Lady Mara sa kaniyang mga tauhan sa sindikato upang ipapatay. Gayunpaman, nakatakas ito at nakasalubong si Alfred Balastas—isa sa mga dating miyembro ng sindikatong dumukot kay Celestine Montaverde at ang tanging may alam kung nasaan na ito ngayon.

Agad na nakipagtulungan si Alfred kay Lady Mara upang matunton si Celestine bago pa sila maunahan ni Serina. Ibinunyag din ni Alfred ang katotohanan sa nangyari kay Celestine: ang kaniyang dating kasamahan na si Tisoy ay may nobya noon na nagngangalang Beverly Dimaculangan o “Mama Bebe,” at sa kaniya ipinaampon ang dinukot na si Celestine na pinangalanan nilang Angel.

Dahil dito, napagtanto ni Lady Mara na ang tunay na tagapagmana at prinsesa ng mga Montaverde ay ang kinupkop na bata ni Mama Bebe na si Angel (Caprice Cayetano). Ang hindi nila alam, matagal na palang nakakasama ni Angel si Enrico sa Gran Vista Resort matapos ang nangyaring pagsabog sa yate.

Sa patuloy na paghihiganti ni Serina, muli niyang pinag-initan ang Gran Vista Resort at pinasunog ito. Na-trap sa loob si Mama Bebe ngunit mabilis na dumating si Enrico upang iligtas siya. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita ng mga tauhan ni Serina si Enrico at agad itong ipinagbigay-alam sa kaniya, na naging dahilan upang magsimula na naman ang panibagong masamang plano.

Susugurin sana ni Mama Bebe ang kapatid na si Serina dahil sa pagpapasunog, ngunit nabaligtad ang sitwasyon nang ipadampot ni Serina si Mama Bebe sa mga pulis sa paratang na itinatago nito si Enrico. Nagkunwari pa si Serina na nag-aalala sa kaniyang asawa upang paniwalaan siya ng mga awtoridad.

Sa kabilang banda, sa pagkakahuli kay Mama Bebe, agad na sumugod si Tyrone (Royce Cabrera) kasama ang mga tauhan nito upang patumbahin na si Enrico na nasa Gran Vista Resort, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagbalik na ang alaala nito at natatandaan na ang lahat ng nangyari sa kanya, maging ang masamang plano ni Serina at Tyrone sa kaniya noon.

Sa episode ngayong Miyerkules, July 22, abangan kung paanong ililigtas ni Enrico si Mama Bebe mula sa kulungan laban sa maling akusasyon ni Serina.

Ano kaya ang susunod na hakbang nina Serina at Tyrone para pabagsakin si Enrico at ang pamilya Dimaculangan?

Makikilala na kaya ni Enrico na si Angel ang kaniyang nawawalang anak na si Celestine?

Abangan lahat ng kapanapanabik na mga tagpo sa You're My Favorite Song, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!

Related Gallery: Stars ng 'You're My Favorite Song,' nagniningning sa kanilang mga outfit sa Brighton Bay Ball!