GMA Logo Moi Bien and Katya Santos
What's on TV

You're My Favorite Song: Enrico Montaverde, mapapadpad sa Gran Vista Resort nila Angel!

By Mark Joseph F. Carreon
Published July 7, 2026 3:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Senate impeachment court asked to summon OVP's Zuleika Lopez, NBI's Matibag 
P6M marijuana plants burned in Agusan del Sur
'Solo Leveling: Beyond The System' anime film officially announced, now in production

Article Inside Page


Showbiz News

Moi Bien and Katya Santos


Abangan kung paano matatagpuan ni Mama Bebe (Katya Santos) ang katawan ni Enrico Montaverde (James Blanco) sa Gran Vista Resort sa 'You're My Favorite Song.'

Matapos mahuli ni Enrico ang lihim na relasyon ng kaniyang asawang si Serina (Kazel Kinouchi) at ng driver nitong si Tyrone (Royce Cabrera), labis ang naging galit niya. Agad niyang binantaan ang dalawa na palalayasin na sa poder ng mga Montaverde.

Binalaan niya si Tyrone na sisiguraduhin niyang hindi na ito makakahanap pa ng trabaho sa buong Solmera City. Hiwalayan naman at agarang pagpapaalis sa pamilya Montaverde ang naging banta niya kay Serina.

Labis itong ikinabahala ni Serina, kaya naman plinano niya sa tulong ni Tyrone na dispatsahin ang asawa bago pa man nito maisakatuparan ang mga banta sa kanila.

Dala ng matinding kalungkutan, mag-isang naglayag sakay ng yate si Enrico habang inaalala ang yumaong asawang si Isabella at ang nawawalang anak na si Celestine.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang sumabog ang yateng sinasakyan niya—isang pagsabog na iplinanta pala ng mga tauhan nina Serina at Tyrone.


Sa kabilang banda, habang nagde-deliver si Mama Bebe ng mga ibinebentang pagkain sa mga pulis, aksidente niyang narinig na pinagplanuhan pala ang pagkawala at pagkamatay ni Enrico.

Laking gulat niya nang malaman na ang sarili niyang kapatid na si Serina ang nag-utos sa mga pulis na palabasing aksidente ang nangyari, kapalit ng 40 milyong piso.

Ngayong Martes, matapos malaman ang katotohanan, lalong magugulat si Mama Bebe dahil mapapadpad ang katawan ni Enrico sa kanilang Gran Vista Resort! Siya ang unang makakatuklas na buhay si Enrico at hindi nagtagumpay ang masamang plano ng kapatid niyang si Serina.

Ano kaya ang susunod na mga mangyayari sa pagdating ni Enrico sa buhay ng pamilya Dimaculangan?

Patuloy na subaybayan ang You're My Favorite Song, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!

Related Gallery: Cast ng 'You're My Favorite Song,' kilalanin!