GMA Logo Marco Masa and Waynona Collings
Source: Youre My Favorite Song
What's on TV

You're My Favorite Song: Fans, damang-dama ang sakit sa rejection scene nina Zion at Charm

By Mark Joseph F. Carreon
Published July 14, 2026 5:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

China to Europe: Stop backing South China Sea arbitral ruling
Suspect in DepEd exec’s killing in Sulu nabbed
The Young Achievers Podcast: Official Trailer

Article Inside Page


Showbiz News

Marco Masa and Waynona Collings


Tinangkilik ng maraming viewers at fans ang nakakaiyak at napasakit na rejection scene ni Zion (Marco Masa) You're My Favorite Song!

Matagal nang may pagtingin si Zion (Marco Masa) kay Charm (Waynona Collings), ang sikat at magandang schoolmate nila sa Brighton Bay Academy.

Sa kabila ng hindi pagpansin ni Charm sa kaniya, nanatiling tapat si Zion sa kaniyang nararamdaman at handang gawin ang lahat mapasaya lamang ang dalaga. Bilang patunay, nag-ipon si Zion ng pera para mabili ang ticket ng concert ng sikat na bandang Siklab, dahil alam niyang fan si Charm ng vocalist at guitarist nitong si Miguel (Heath Jornales).

Gayunpaman, nangangailangan ng tulong ang kaibigan ni Zion na si Angel (Caprice Cayetano) upang mailabas sa ospital ang kaniyang lolo na si Lolo Xavi (Boboy Garrovillo). Dahil dito, ibinigay ni Zion ang dalawang concert tickets kay Angel para ibenta.

Sa tulong ng isang livestream, agad itong binili sa halagang Php 15,000 ng isang mystery viewer na nagngangalang “Mr. Moon”—na hindi nila alam ay si Calix (Clifford) pala.

Dahil hindi kinuha ni “Mr. Moon” ang mga ticket, napagpasyahan ni Zion na ibigay na lamang ang mga ito kay Charm bilang regalo sa nalalapit na kaarawan nito.

Naghanda ng isang sorpresang kaarawan si Zion para kay Charm, sa tulong ni Angel. Pinaganda nila ang venue gamit ang mga dekorasyong hugis-puso, mga bulaklak, kandila, ilaw, at mga lobo. Naghanda rin si Zion ng cake at iba pang regalo para sa kaniya.

Sa una, puno ng kilig ang tagpo nang mabigla si Charm sa sorpresa. Ngunit agad itong napalitan ng lungkot nang ipakita ni Charm ang kaniyang pagkadismaya. Sinabi ng dalaga na minamaliit ni Zion ang kakayahan ng kaniyang mga magulang na bilhan siya ng tickets. Idinagdag pa ni Charm na “cringe” para sa kaniya ang ginawa ni Zion. Kita sa mga mata ni Zion ang matinding sakit at pagkadismaya, lalo na nang punitin ni Charm ang mga ticket na pinag-ipunan niya nang matagal.


Matapos ang episode noong Lunes, July 13, maraming viewers at netizens ang nalungkot sa sinapit ni Zion at nagpahayag ng kani-kaniyang mensahe at reaksyon online. Marami rin ang humanga sa galing ni Marco Masa at Waynona Collings sa eksenang ito. Narito ang ilang mga komento mula sa netizens:

Abangan pa ang mga kapanapanabik na mga tagpong nina Zion at Charm sa You're My Favorite Song, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!

Related Gallery: Cast ng 'You're My Favorite Song,' kilalanin!